Epy Quizon on Mark Anthony Fernandez's drug case: "He is not a pusher, he is a user."

IMAGE Noel Orsal

Epy Quizon remains thankful despite Mark Anthony Fernandez's recent arrest for possession of marijuana: "Nagpapasalamat ako sa mga pulis at hindi nila binaril, nung tumakbo si Mark. Pasalamat ako na gulong lang ang binaril, nagpapasalamat ako sa kanila na naging maingat dun sa paghuli sa kanya, ginawa nila yung tamang proseso."


Nagbigay ng pahayag si Epy Quizon tungkol sa pagkakaaresto ni Mark Anthony Fernandez matapos mahulihan ng isang kilong marijuana noong nakaraang linggo.

Ayon kay Epy, “Actually, ang nagbalita sa akin nung unang gabi, si Gladys pa, nasa taping kami ng Oh, My Mama!

“Si Direk Neal [del Rosario] kasi, di ba, kasama nila si Mark sa huling show nila, so napakalapit niya din sa grupo ng production na ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Epy sa taping nila para sa Oh, My Mama!
sa Marikina City kahapon, Biyernes, October 7.

Co-star ni Epy si Gladys Reyes sa naturang serye, kunsaan direktor naman nila si Neal del Rosario, na nakasama ni Mark sa Wish I May sa GMA Network din January ng taong kasalukuyan.

Patuloy niya, “Well, I never knew that it was that big, it was that big of a case.

“Akala ko… ‘coz I know Mark, I know he’s a user, but I don’t think he’s a pusher.

“Kaya nagulat talaga ako nung nakita ko na may isang kilo yung hawak niya.

“Yun medyo kasi ang classification ng law dun sa ganung kalaki is pusher.

“Pero I know Mark. He is not a pusher, he is a user.

“Di ba, so may difference po yun?

“Siyempre nung sinabi sa akin, nung nalaman ko yung amount nung hawak niya, e, alam ko ng medyo malaki yung sabit niya.”

Ayon pa kay Epy, “Of course, nung nakita ko siyang ini-interview, dazed, naba-blangko, kasama na rin siguro yung fear niya na nangyayari sa kanya yun, yung eskandalo...

“E, medyo siyempre, yun… gusto mong tumulong pero wala ka namang maitutulong.

“Kasi batas yun, e! Kumbaga, batas ang nakabangga niya, e.

“Caught with his pants down, kumbaga sabi nga nila, di ba, so…

“Of course, parang kapatid ko yun, binilin pa sa akin ni Kuya Daboy 'yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mark Anthony ay anak ng yumaong aktor na si Rudy 'Daboy' Fernandez sa actress-politician na si Alma Moreno, na naging karelasyon ng yumaong ama ni Epy na si Dolphy.

LIKE A REAL BROTHER. Ano ang bilin sa kanya ng ama ni Mark?

Sabi ni Epy, “Alagaan ko.

“Di ba, magkasama kami ni Kuya Daboy sa Da Boy En Da Girl, last TV show ni Daboy, di ba?

“Ako yung pinaka-right hand man ni Kuya Daboy dun.

“Sabi ko, ‘Oo naman, aalagaan ko!’

“Parang kapatid ko 'yan, kapatid ni Vandolph 'yan, e.

“Kapatid ng kapatid ko si Mark, so… siyempre mabigat sa akin na nangyayari sa kanya ito.

“Lalo na nung nakita ko nakaupo siya dun sa may selda, di ba?

“Na parang ginagawang mascot ng Jollibee, na nagpapa-picture yung mga kung sinu-sino sa kanya.”

Naging kontrobersyal nga ang groufie ng dalawang lady police kasama si Mark.

“Sa akin naman, I mean wala naman sigurong masama na nagpa-picture sila, di ba?

“Pero sana naman huwag nilang pag-trip-an yung kapatid ko,” banggit pa ni Epy.

MESSAGE FOR MARK. Hiningan namin si Epy ng mensahe para kay Mark.

Saad niya, “Well, stay strong! Hang-on, hang in there. Stay strong.

“Pray ka lang muna ngayon. Hintayin natin talaga ang ibibigay na batas sa iyo.

“Pero as of now, let’s pray that he gets a lower charge.

“Ako mismo makakapagsabi na hindi naman pusher yung kapatid ko, user po, siguro… aamin pa ako, alam kong user si Mark pero hindi po pusher ang kapatid ko.

“Sana po, e, makita rin natin yung intensiyon nung bata, ni Mark, yung intensyon niya, kung bakit siya may ganun karaming hawak na marijuana, di ba?

“Nagpapasalamat ako sa mga pulis at hindi nila binaril, nung tumakbo si Mark.

“Pasalamat ako na gulong lang ang binaril.

“Nagpapasalamat ako sa kanila na naging maingat dun sa paghuli sa kanya, ginawa nila yung tamang proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana hanggang ngayon, nakikiusap lang din ako sa kapulisan natin na i-assist na lang nila yung kapatid ko.

“Nakita naman nila na mabuting tao yung kapatid ko, hindi naman gagawa ng masama 'yan.

“At hindi po tulak, again hindi tulak ang kapatid ko.

“Hindi po kriminal 'yan! User po, ang user po dinadala po sa rehab.

“And I am pro Mark Anthony’s rehabilitation.

“I am so pro with that.

“I will, you know, I will convince… if I can only convince the law to just bring him to the rehabilitation, I’m sure there’s a brighter future for Mark Anthony.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN