Epy Quizon laments sensationalism of celebrity drug cases: "May masisisi ba talaga tayo?"

IMAGE Noel Orsal

Epy Quizon on the sensationalism of celebrity drug cases: "It's the name of the game. Artista ka, e. Pinasok naming buhay ito, e. We're in the limelight, di ba? Sometimes it works for you, sometimes it works against you. In this case, it's working against us, it's working against him."


Kaugnay ng pagkakakulong ng aktor na si Mark Anthony Fernandez dahil sa illegal possession of marijuana, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Epy Quizon kung sa palagay ba niya ay unfair na kapag artista ang nahuhuli na may koneksiyon sa droga ay pinalalaki o nase-sensationalize kumpara sa mga ordinaryong taong nahuhuli.

Saad ng Oh, My Mama! actor, “Well, sisisihin ko na 'yan sa press, sisisihin ko na rin 'yan sa nanonood ng news.

“Both ways, e.

“Dahil pinanonood niyo yung news, iyon ang ibabalita.

“Siyempre yun ang hot topic, yun ang kukunan ng press.

“May masisisi ba talaga tayo? Wala, e.

“It’s the name of the game. Artista ka, e.

“Pinasok naming buhay ito, e. We’re in the limelight, di ba?

“Sometimes it works for you, sometimes it works against you.

“In this case, it’s working against us, it’s working against him.”

MARK'S EMOTIONAL IMBALANCE. Hindi pa raw nakakausap ni Epy ang ina ni Mark Anthony na si Alma Moreno, na ina rin ng half-brother ni Epy na si Vandolph.

Sina Epy at Vandolph ay mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, habang ang ama ni Mark Anthony ay ang yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Kuwento ni Epy, “Hindi, e. Si Vandolph ang nakausap ko.

“Tinawagan ko si Vandolph the next day.

“Sabi ko nga sa kanya mag-ano, sabi niya iwas muna daw siya.

“Sabi ko pero siyempre kailangan may statement ka, gumawa ka na ng statement mo.

“Hindi ko lang alam kung ano talaga yung statement niya, but of course, he is for the... pro rehabilitation of Mark Anthony, di ba?

“Yun lang talaga. I mean, kung ako, kung puwede lang akong makiusap kay President Digong [Rodrigo Duterte], hindi naman po talagang kriminal ang kapatid ko, user po.

“Of course, the amount that he had is not considered using, by law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pinakikiusap ko lang, e, sana makita natin yung different way na puwede po nating i-rehab yung mga taong katulad ni Mark Anthony.

“You know, para naman maski papaano, e, ma-lessen yung charge niya.”

Patuloy ni Epy, “Now, I know ever since Daboy died, Mark Anthony has really an emotional and psychological imbalance.

“So maybe the fear of how his father, from the action star that he is, died weak, siguro ito yung fear, died young, and died weak, nakita niyang mahina ang tatay niya, e.

“So, puwedeng ito rin yung nag-udyok sa kanya na maghanap ng mga ways para gumaling, na para hindi niya pagdaanan yung nangyari sa tatay niya.

“Given that there is an emotional and psychological imbalance, I mean, who knows?

“Siguro dahil, you know, siguro, dahil iyon ang ibinenta sa kanya ng mura, dahil ibinabato na lang nila ang marijuana, ang mga drugs ngayon, siguro binili niya nang mura yung isang kilo, akala niya…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN