Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte "psychopath"

IMAGE @agotisidro on Instagram / Twitter

Agot Isidro reacts to President Rodrigo Duterte's statement against the European Union and the United States. The singer-actress even said, "May kilala akong psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath."


Tila hindi napigilan ng singer-actress na si Agot Isidro ang kanyang galit at inis kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, October 7, tinawag niyang "psychopath" o wala sa tamang pag-iisip ang pangulo ng Pilipinas.

Ito ay matapos hamunin ni Duterte ang European Union (EU) at United States (US) na i-withdraw na lahat ng kanilang ayuda sa bansa.

Sabi ni Agot: “Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway.

“Pangalawa, yung bansa kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World.

“Kung makapagsalita ka parang superpower ang Pilipinas eh.

“At excuse me, ayaw namin magutom. Mag-isa ka na lang. Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.

“Pangatlo, may kilala akong psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.”


Sa isa pang post tungkol naman sa paghalintulad ni Pangulong Duterte kay Adlof Hitler, sinabi ni Agot: “Buang na, Duterte?”


Kaninang madaling-araw ay naka-public pa ang posts na ito ni Agot, ngunit ngayong umaga ay naka-private na ito at hindi na makita sa kanyang timeline.

Nitong nakaraang eleksyon ay inendorso ni Agot sa pagka-bise presidente ang nanalong si Leni Robredo.

Pero hindi niya sinabi kung sino ang iboboto niya noon sa pagka-pangulo.

Read: Agot Isidro chooses Leni Robredo for VP

Mukhang kay Agot talaga ang naturang Facebook account dahil may anim na kaparehong kaibigan ang manunulat na ito na kanya ring kaibigan mula sa entertainment industry.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN