Pia Wurtzbach on her remaining months as Miss Universe: "There's a lot in store."

IMAGE Noel Orsal

Reigning Miss Universe Pia Wurtzbach on relinquishing her crown in three months: "I'm very excited. And for now, I'm looking forward to the next Miss Universe competition."


Tatlong buwan na lamang at ipapasa na ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang korona.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia sa kanyang product endorsement nitong nakaraang Huwebes, Oktubre 7, naibahagi ng beauty queen na marami pa raw siyang nakatakdang gawin sa kanyang nalalabing buwan bilang Miss Universe.

Nang tanungin siya kung ano ang mga ito, simpleng sagot ng dalaga, "There’s a lot in store. I’m very excited."

Matatandaang kakabisita lamang niya sa UNICEF office dito sa bansa noong Setyembre 27, 2016, kasama si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina upang pag-usapan ang mga isyu patungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) and Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).


Patungkol naman sa kumakalat na isyung hindi na gaganapin sa Pilipinas ang naturang kompetisyon, kinakailangan lang daw maghintay pa ng kaunting panahon para sa opisyal na announcement ng pamunuan ng Miss Universe.

Ani Pia,"And for now, I'm looking forward to the next Miss Universe competition.

"Abangan niyo na lang."

Sa ulat ni MJ Felipe para sa ABS-CBN News, sinabi ng dalaga na lahat naman daw ay kanilang ginagawa upang maisakatuparan ang proposal.

"We are working very hard to let that happen, making it happen.

"Please bear with us, guys. We’re really working hard.

"I promise we will have an announcement."

Nagsimula ang nasabing isyu nang dahil sa controversial post ni Department of Tourism undersecretary Kat de Castro at dahil na rin sa kakulangan ng opisyal na impormasyon ng US-based Miss Universe Organization.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN