Jeric Gonzales flattered by comparison to late action star Rudy Fernandez

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales feels incredibly flattered upon hearing Epy Quizon's remarks comparing him to the late action star Rudy Fernandez: "Wow! Talaga? Idol ko po yun! Nakaka-flatter naman kasi kung manggagaling kay Kuya Epy, sobrang iniidolo ko rin si Kuya Epy."


Ayon kay Epy Quizon, nakikita niya kay Jeric Gonzales ang yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Matagal nakasama ni Epy si Rudy (na kilala rin bilang Daboy sa mga malalapit dito) sa TV show na Da Boy En Da Girl.

Ngayon naman ay co-stars sina Epy at Jeric sa Oh, My Mama! na afternoon series ng GMA.

At sa tanong kung ano ang masasabi niya sa kanyang mga nakababatang co-stars sa show ay isa si Jeric sa mga pinuri ni Epy, pati na rin sina Inah de Belen at Jake Vargas na kahit mga bata ay mahuhusay nang mga artista.

Sinabi rin ni Epy na ang tayo o tindig ni Jeric ay parang si Rudy, na pretty boy na puwedeng action star.

Halatang nagulat at natuwa si Jeric nang banggitin namin ito sa Kapuso actor.

Idolo niya raw kasi si Rudy.

Gulat niyang reaksyon, “Wow! Talaga?

“Idol ko po yun!

“Nakaka-flatter naman kasi kung manggagaling kay Kuya Epy, sobrang iniidolo ko rin si Kuya Epy.

“Lalo na nung nakatrabaho ko siya dito, sobrang na-inspire ako sa kanya kasi ang galing niyang artista.

“Kaya nakakatuwa naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa set ng Oh, My Mama! nitong Biyernes, October 7 sa Marikina City.

SYMPATHY FOR MARK. Napapanood raw niya ang mga pelikula ni Rudy.

Kaya ikinalungkot din ni Jeric ang nangyari kay Mark Anthony Fernandez na anak ni Rudy.

Nakakulong ngayon si Mark Anthony dahil nahulihan ito sa sasakyan ng isang kilong marijuana.

Bilang isang responsableng miyembro ng kabataan, ano ang natututunan ni Jeric na aral para makaiwas siya sa droga?

Ani Jeric, “Nakakalungkot lang na umabot sa ganung point na ayun, nahulihan siya ng marijuana, tapos nakulong siya.

“Yun nga, na-rehab na siya, e.

Tapos ilang beses na rin siyang napabalita sa news na gumagamit nga, so sana hindi na lang umabot sa ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO VICES. Ano ang ginagawa ni Jeric para umiwas sa masamang bisyo?

Ni hindi nga raw siya nagsisigarilyo.

Sabi niya, “Pagka po may mga kasama akong nagyoyosi, hindi po talaga ako lumalapit. Kahit na yayain nila ako.”

May nagyaya na ba sa kanya na subukan ang marijuana?

Mabilis niyang tanggi, “Ah, wala, wala po!

“Kasi kilala naman nila ako na hindi talaga ako into that.”

WILLING TO UNDERGO DRUG TEST. Pabor si Jeric sa pagpapa-drug test ng mga artista.

Saad niya, “Willing ako kasi wala naman akong itinatago.

“Bakit hindi, kung talagang ire-require nila, kung wala ka namang dapat ikatakot, na alam mo sa sarili mong hindi ka gumagamit?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN