PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

IMAGE @sunshinecruz718 on Instagram / Macky Mathay on Facebook

'Recently dating' lang daw ang status nina Sunshine Cruz at sa kapatid ni Ara Mina sa ama na si Ismael 'Macky' Mathay IV. Hindi rin daw matatawag na si Sunshine ang dahilan ng paghihiwalay ni Macky at ng kanyang asawa dahil lagpas isang taon na daw hiwalay ang dalawa.


Naging viral nitong weekend ang larawan ni Sunshine Cruz at ni Ismael ‘Macky’ Mathay IV, half brother ng aktres na si Ara Mina.

Magka-holding hands sina Sunshine at Macky sa naturang larawan na patawid sa isang pedestrian lane.

Tila nasa loob ng isang kotse ang nakakuha nito dahil pawang hindi alam ng dalawa na nakuhanan sila ng picture.

Dahil dito, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Ara tungkol sa naturang larawan ng kanyang nakababatang kapatid at sa kanyang kaibigang si Sunshine kagabi, October 9

Hindi ito nasagot ni Ara. Ngunit ngayong umaga ng Lunes, October 10, nakatanggap ang PEP ng tawag mula kay Ara.

Tumanggi siyang sagutin ang tanong kung may relasyon ba si Macky at si Sunshine dahil wala raw siya sa posisyon na sumagot tungkol dito.

Gayunman, may naisulat ng balita sa ibang enetrtainment website na diumano ay lagpas isang taon nang hiwalay si Macky sa asawa nitong si Camille Farinas, anak ni Congressman Rudy Farinas ng Ilocos Norte.

Si Sunshine naman ay hiwalay na sa asawang si Cesar Montano noon pang taong 2013.

Ngunit parehong hindi pa annulled ang kasal ng bawat panig.

Tinanong din ng PEP si Ara kung paano nagkakakilala sina Macky at Sunshine.

Ang sabi niya, nabalitaan na lang daw niya kay Sunshine ang tungkol sa pagpapakilala mismo ng kapatid sa kanya.

DATING. Samantala, may kinausap din ang PEP na isa pang source, na malapit sa dalawa upang mabigyang linaw ang kuwento tungkol sa viral photo.

Ayon sa PEP source, “Bago lang sila [nagdi-date], recently lang sila nagdi-date.”

Paglilinaw pa niya, baka daw isipin ng publiko na homewrecker si Sunshine.

Saad pa nito, “Hindi, kasi over a year na silang hiwalay.”

Subalit hindi na nagkuwento ang PEP source kung ano pang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Macky at Camille.

THE INSTAGRAM POST. Hindi ang viral photo nina Sunshine at Macky nitong Linggo, October 9, ang unang pagkakataon na nakita ang dalawa na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang opening ng isang restaurant, tatlong linggo na ang nakaraan, nakita ring magkasama na sina Sunshine, Macky, at Ara.

Opening of #yayoi #megamall with @nomerzki @realaramina @rochelleromero @sunshinecruz718

A photo posted by Ismael Mathay IV (@mackymathay) on

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN