Michael Pangilinan meets girlfriend Garrie Concepcion's sisters KC Concepcion and Cloie Skarne

IMAGE Arniel C. Serato

Masayang nagkuwento si Michael Pangilinan tungkol sa pagkakilala niya sa mga kapatid ng kanyang girlfriend na si Garrie Concepcion na sina KC Concepcion at si Cloie Skarne. Aniya, "Sobrang kulit, ang babait nila, sobrang saya, kenkoy nga, kalog silang lahat."


Masayang ibinalita ni Michael Pangilinan na nakilala na niya ang mga kapatid ng girlfriend niyang si Garie Concepcion na sina KC Concepcion at Cloie Skarne.

Si KC ay anak ni Gabby Concepcion kay Sharon Cuneta.

Si Cloie naman ay anak ng beteranong actor kay Jenny Sequia.

Samantalang si Garrie ay anak ni Gabby sa dati niyang asawa na si Grace Ibuna.

Nitong nakaraang buwan, nagkasama sa isang dinner sina Michael, Garrie, Cloie, at KC.

Ano ang naramdaman niya noong nakita at nakilala na niya ang mga kapatid ng nobya?

Kuwento ni Michael, “Yun, [nailang], siyempre, The Concepcions.

“Noong una ko silang nakita, siyempre, medyo may kaba ka kasi first time mong makasama yung family niya, yung sisters niya.

“Pero sobrang kulit, ang babait nila, sobrang saya, kenkoy nga, kalog silang lahat.”

Sa tatlong magkakapatid na Concepcion, si KC ang pinakakilala sa larangan ng showbiz.

KC'S ADVICE. Ano ang impresyon niya kay KC?

Sagot ni Michael, “Ayun po... Sobrang wala akong masabi sa kanya.

"Yung mga inaasahan mo na sasabihin ng isang ate…

"Actually, ano siya, e, siyempre andiyan yung mga advice [niya kay Garrie] na, ‘You’re not getting any younger anymore.”

Na-appreciate raw ni Michael ang pagiging responsableng ate ni KC pati na rin ang payo nito kay Garie.

Paliwanag ni Michael hinggil sa love advice ni KC, “Kumbaga, kung laro lang ‘yan bitawan mo, pero kung totoo, go. Kasi, uso na kasi ngayon yung playtime-playtime.

"Actually, kung ako, kung malaman kong playtime [bakit pa itutuloy]?”

DOUBLE DATE. Naka-double date na ba nila ni Garrie si KC at ang napapabalitang boyfriend nitong si Aly Borromeo?

Pag-amin ng Kapamilya singer, “Nagkasama na rin po kami, nag-dinner na po kami. Pero, hindi kami yung apat lang kami. May mga kasama rin kaming mga friends.”

Sa ngayon, looking forward na raw si Michael na makilala ng personal ang ama ni Garrie na si Gabby, dahil hindi natuloy yung unang naka-schedule na dapat sila ay magkita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael sa launching ng kanyang pangalawang self-titled album na Michael nitong nakaraang Sabado, October 8.

NEW ALBUM. Ang bagong self-titled album ni Michael ay mayroong 12 tracks at prinodyus sa ilalim ng Star Music.

Meron itong apat na covers, apat na originals, at apat na bonus tracks. Ang carrier single naman nito ay may pamagat na "Hanggang Kailan" na theme song daw para sa mga sawi sa pag-ibig.

Kasama rin dito ang "Pare Mahal Naman Kita," ang sagot sa una niyang hit song na "Pare Mahal Mo Raw Ako."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN