Rachelle Ann Go reveals story behind Broadway debut for Miss Saigon

IMAGE Allan Diones

Rachelle Ann Go on her incoming Broadway debut: "Hanggang ngayon nga, parang hindi ko pa masyadong napi-feel. Kasi, wala pa ako doon. 'Totoo ba 'to? Is it really happening?'"


LONDON, UK. Matagal nang alam ni Rachelle Ann Go na magbu-Broadway siya for Miss Saigon bago pa in-announce ang balitang ito before the end of September.

Ito ang sinabi ni Rachelle Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) over afternoon tea last Friday, October 7, sa isang French patisserie sa may Covent Garden dito sa London.

“Matagal ko nang alam. Kaya nung nilabas [yung announcement], parang, ‘Oh, my God, I’m going to Broadway!’

“It’s a secret, siyempre. Nalaman ko siya after nung 30th anniversary ng Les Miserables [West End musical where she plays the role of Fantine] nung October last year.

“Cameron Mackintosh [Miss Saigon producer] came up to me and he was like, ‘I want to bring you to Broadway.’

“Ako naman siyempre, bilang na-shock ako, parang, ‘Really? Let’s make that happen!’

“Tapos, sabi niya, ‘Hopefully, because the Actors' Equity there [in New York] is really strict. We’ll try to make it work,’” masiglang kuwento ni ni Rachelle Ann bago siya pumunta ng Queen’s Theatre kung saan pinapalabas ang Les Mis.

Patuloy niya, “Late last year, sabi nila [grupo ni Mackintosh] kailangan nila ng papers para i-sumbit sa New York. So, tumulong din kami doon.

“And then, I got the confirmation when I got back here after doing Les Mis in Manila.

“I was here May this year. Tapos, siguro mga first two weeks ko rito, nag-email na sila.

“Kasi siyempre, nung time na ‘yon, nagpi-pray lang ako na sana, ma-approve, di ba?

“And then I got an email na na-approve na nga yung Broadway.

“Tapos, paggising ko, iyak ako nang iyak. At siyempre hindi ko masabi [sa iba], sa family lang.

“Hindi puwedeng i-announce, kasi nag-o-audition pa sila [for the cast ng Broadway revival], e.

“So, kailangan talaga sila mauna sa pag-announce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, merong Miss Saigon movie [the 25th anniversary performance na kinunan sa Prince Edward Theatre in September 2014], it’s coming out this October.

“I think here in London on the 16th of October. Sa Manila, on the 20th.

“One day only, kasi magre-release sila ng DVD, I think.

“I’m not sure kung ano pang plano. May tour din kasi. So, gusto nila one time lang.

“It’s really good. Ang galing.

“Ako, dalawang beses ko nang napanood. Yung first screening, kaming dalawa lang ni Eva [Noblezada, who plays Kim] sa Universal with the other producers.

“Iyak kami nang iyak. Ang galing-galing niya [Eva], super!” papuri ni Shin sa kanyang Fil-Am co-star.

Sina Eva at Jon Jon Briones, who plays the role of the Engineer, pa rin ang makakasama ni Shin sa Broadway revival ng Miss Saigon.


RACHELLE ANN IN BROADWAY. What is she most excited about sa Broadway?

Ayon kay Rachelle Ann, “Alam mo, nagtu-tour kaming Champions noon, di ba? First city namin ang New York.

“When I got there, sabi ko doon sa Times Square, ‘One day, magwu-work ako dito.’ Kinleym ko talaga ‘yon matagal na.

“Tapos, naalala ko na lang nung eto na, matutuloy na. Parang… seryoso ba ‘to? Hindi mo inakala, di ba?

“Hanggang ngayon nga, parang hindi ko pa masyadong napi-feel. Kasi, wala pa ako doon. ‘Totoo ba ‘to? Is it really happening?’”

Parang lume-Lea Salonga ang takbo ng international theater career ni Rachelle Ann. Pagkatapos niyang mag-West End ay magbu-Broadway naman siya.

“May paganun na ba? Iba naman,” napapangiting reaksiyon ng Chinitang singer-actress.

In fairness ay sobrang proud at supportive naman sa kanya ever since ang original Kim ng Miss Saigon na si Lea.

Pagsang-ayon ni Rachelle Ann, “Oo nga, nakakatuwa yung suporta, ‘no? Nakakatuwa. I’m really, really grateful.”

January 2017 ang punta ni Shin ng New York City. Hindi niya pa sure kung one year ang stint niya as Gigi Van Tranh sa Broadway o six months lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

January ang simula ng rehearsals nila, tapos ay March ang simula ng Broadway run nito na tatagal hanggang January 2018.

Sabi ni Rachelle sa PEP, puwede pa siyang bumalik dito sa London kung mayroon pa ring opportunity for her.

Wish niya ring may work ulit sa kanya sa Broadway pagkatapos ng Miss Saigon.

Maraming nagsasabi sa kanya na kailangan niyang kumuha ng agent sa Broadway. Kaya balak niyang gawin yun pagdating niya doon.

Kailangan niya raw yun dahil wala naman siyang koneksiyon doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN