Sharon Cuneta admits she and Sen. Kiko Pangilinan almost broke up a few times

IMAGE Facebook (Sharon Cuneta)

Megastar Sharon Cuneta and husband Sen. Kiko Pangilinan reveal that they almost broke up a number of times. Kiko said that part of a marriage is going through ups and downs.


Inamin ni Sharon Cuneta na ilang beses na silang muntik maghiwalay ng kanyang asawa na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa kanilang 20 years na pagsasama.

Nasambit ng Megastar ang tungkol dito sa kanilang guest appearance sa Magandang Buhay, ang morning talk show ng ABS-CBN, na umere ngayong Martes, October 11.

Sa programa, tinanong ang mag-asawa kung ano ang mensahe nila sa isa’t isa.

Unang nagsalita si Sharon at sinabing mahal niya ang asawa kahit hindi niya ito laging sinasabi.

“Sweetheart, I always joke you. Sometimes maybe you don’t feel that you are that precious to me. That sometimes I know that you know that my mind is elsewhere.

“Sometimes I feel that you know what’s in my heart and you don’t say anything.

“But I want you to know that your God’s gift to me and I’m so blessed to have found you.

“I am so blessed to have ended up with you because you are the only one that promised to love me and really stood by it.”

Nang magsalita si Kiko, pinasalamatan niya ang kanyang asawa dahil sa mga sakripisyo nito sa loob ng kanilang 20 taong pagsasama.

Sabi ng senador, “Sabi ko nung ikinasal tayo that I will love you until the last breath in me is gone. So that means always.

“At marami tayong dinaanang ups and downs, parang roller-coaster ride minsan...”

Sa puntong iyon, nasambit ng Megastar, "Alam niyo, muntikan na kami ilang beses... muntik kaming maghiwalay."

Sinegundahan naman ito ni Kiko at sinabing bahagi iyon ng buhay mag-asawa.

Aniya, “Ganun talaga ang buhay mag-asawa. May mga pagsubok talaga.

“Pero ako’y naniniwala mula nang tayo’y nag-isang dibdib, ika nga, kumbaga ipinagdasal natin ang isa't isa.

“Pinasa-Diyos ko yung ating relasyon at dahil dun, sabi ko, ikaw ay isang parang precious. You are God’s gift to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So if you receive a gift from the Lord, yun ba, e, babalewalain mo? ‘Yan ba, e, pababayaan mo? ‘Yan ba, e, itatapon mo?

“Precious ‘yan, mahalaga ‘yan. Aalagaan mo ‘yan at lagi mong bibigyan ng halaga lagi.”

Sabi pa ni Kiko kay Sharon, “So you are God’s precious gift to me.

“From day one, I have and will always and would always take care of you, value you, and love you.”

Itinuturing man na isa sa mga celebrity couple na matagumpay ang pagsasama, dumaan din sa pagsubok ang pagsasama nina Sharon at Kiko.

Matatandaang noong 2009, hinamon pa ng Megastar na magbibigay siya ng P10 milyong pabuya sa kung sino man ang makapagpapatunay na may ibang babae at anak sa labas ang asawa.

Read: Sharon Cuneta ups offer to P10-M for proof that her husband has another woman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN