Jenny Syquia touched by KC Concepcion's thoughtfulness

IMAGE Instagram (@itskcconcepcion and @jennysyquia

Gabby Concepcion's former wife, Jenny Syquia (right photo) posts about KC Concepcion's (left photo) gift to her. Jenny also recalled her fond memory of KC when she was just eight years old.


Nasa Pilipinas ngayon ng ex-wife ni Gabby Concepcion na si Jenny Syquia-Skarne.

Si Jenny ay dating model at aktres sa Pilipinas noong dekada '90 at ina ng Miss Earth 2016 candidate na si Cloie Syquia, na half-sister naman ni KC Concepcion.

Sa kanyang Instagram account, inanunsiyo ni Jenny ang kanyang pagdating sa bansa.

Posibleng para ito sa pagsuporta niya sa anak na si Cloie na sasabak sa Miss Earth 2016 pageant na gaganapin ngayong Oktubre.

Samantala, isa pang recent post ni Jenny ay ang litrato ng regalo sa kanya ni KC na isang personalized clutch bag.

Sa caption ng nasabing post ni Jenny, sinabi nitong na-touch siya sa regalo ng anak ng kanyang ex-husband sa Megastar na si Sharon Cuneta, lalo na sa letter na kalakip ng regalo.

“I was so delighted and tickled to get this beautiful personalized bag from @itskcconcepcion and the heartfelt and touching note that accompanied it. #happytears”

Pinasalamatan din ni Jenny si KC sa tulong nito sa half-sister na si Cloie.

“Thank YOU KC for your kindness and especially for all the help and love you've given @cloiesyquia Cloie!”

Nagbalik-tanaw din si Jenny noong unang beses siyang makatanggap ng sulat mula kay KC noong walong taong gulang pa lang ito.

“In my heart and mind you'll always be the precious, loving, caring and ever-smiling girl I first met! I received my first note from you when you were just eight years old and I'm so happy to have received another! THANK YOU! #love #hugs #kcconcepcion #cloiesyquia”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN