Kris Aquino finally speaks up about James Yap's baby with Michela Cazzola

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino on ex-husband James Yap's new child with Italian girlfriend Michela Cazzola: "Nasaktan ako kasi my son deserved to find out. Sana diniretso sa kanya. Hindi dahil nagselos ako, 'Oh my God, nag-move on, naunahan ako.' Hindi. As a mother, you will shield your child."


Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Kris Aquino ang naramdaman niya ngayong may anak na ang ex-husband na si James Yap sa Italian girlfriend nitong si Michela Cazzola.

Bungad na pahayag ni Kris, “I’ll be honest again, I was afraid of how Bimb would react about his new sibling.”

Ayon sa Queen of All Media, nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ng anak nila ni James na si Bimby tungkol dito.

“Kasi I’ve been discussing it with him and I’ve been saying, ‘Please tell me when you’re ready. Let’s make a call. Let’s be the ones to call them and say, ‘Hey, I'd like to meet my brother.’

“And then, Bimb said, ‘Okay, Mama, I’ll tell you when.’"

Gayunman, inamin ng Queen of All Media na dismayado siya kay James dahil hindi man lang daw nito hinarap si Bimby upang ipaalam na magkakaroon na ito ng nakababatang kapatid.

Lahad ni Kris, “I’ll bring it out in the open.

“My child found out about it on Facebook. It was not known to him.

“I’m not disparaging them [James and Michela] because that was their choice.

“I want them also to be happy and peaceful, because when there’s peace and happiness in the other side, there’s peace and happiness in your home.

“Pero, yun lang, nasaktan ako kasi my son deserved to find out. Sana diniretso sa kanya.”

Paglilinaw niya, “Hindi dahil nagselos ako, ‘Oh my God, nag-move on, naunahan ako.’ Hindi.

“As a mother, you will shield your child.”

Ibinahagi ito ni Kris sa harap ng piling entertainment media at 100 participants sa #Ariel100StainsInOneWash event, na ginanap sa Shooting Gallery Studios sa Makati City, ngayong Martes, October 11.

MATURE TALK WITH BIMBY. Aminado si Kris na medyo kumplikado ang kanilang family set-up, kaya’t laking-pasasalamat daw niya sa "level of maturity" ni Bimby tungkol sa pagkakaroon nito ng nakababatang kapatid sa ibang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng Queen of All Media, “Sabay naming nakita [sa Facebook].

“So, diretso, I said, ‘There’s a baby in the way.’ Ganun lang.”

Paano prinoseso ni Bimby ang balita?

Paliwanag ni Kris, “Well, he asked, ‘Are they married?’

“I said, ‘As far as I know they are not yet married.’

“Sabi niya, ‘Should they be married?’

“And I said, ‘Bimb, I was not married when I had Kuya [Josh] so let’s not judge. So, yun lang.”

Giit pa ng TV host-actress, “It's not about you, e, it's about your child. It's about how it will affect your child."

Bilang ina, hangga't maaari ay gusto pa rin sana ni Kris na iiwas sa kontrobersiya si Bimby.

Kaya noong kabuwanan ni Michela ay nagdesisyon daw si Kris na magbakasyon sa ibang bansa.

Nangingiting pag-amin ni Kris, “I’ll be honest, bumiyahe kami na tinayming ko when I knew nung ni-research ko online kung kailan yung due date, because I wanted to spare my son.

“Nagkamali ako. Two weeks after pa [nanganak si Michela]. So, nasayang yung biyahe.”

ON SETTLING DIFFERENCES WITH JAMES. Sa huli, tinanong si Kris kung may pag-asa pang maging maayos ang lahat sa pagitan nila ni James kahit may kanya-kanya na silang buhay.

Dito ay nagpahiwatig si Kris na wala sa kanya ang problema.

Sabi ng Queen of All Media, “Bakit naman yung nine-year-old [naming anak] matapang? Ganun lang kasimple.

“This is a girl audience, of course, this is a friendly audience to what I’m saying.

“Pero, financially, hindi ko naman inoobliga [si James], e. And, hindi ko sinusumbat yun.

“Pero siguro yung honesty na lang and the effort.”

Ayon kay Kris, kailangang makita niya rin ang effort ni James na magkaayos sila.

“We went through so much hell separating, annulling, TPO [Temporary Protection Order], PPO [Permanent Protection Order] — lahat ‘yan pinagdaanan naming kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero it takes two. And I think I have done more than my share in trying to be the mature one, because I’m 10 years older, so dapat lang.

“Pero at this stage din naman of the life of the father, it’s time also to man up.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN