President Rodrigo Duterte reacts to being called 'psychopath'

IMAGE Photo grabbed from RTVMalacanang

President Rodrigo Duterte reacts to an actress's statement, who referred to the President as a "psychopath."


Nagbigay ng maiksing pahayag si President Rodrigo Duterte tungkol sa pagtawag sa kanya ng isang artista na “psychopath” o wala sa tamang pag-iisip.

Nitong weekend, nag-status sa social media ang actress-singer na si Agot Isidro at tinawag na “psychopath” si Duterte nang hamunin nito ang bansang USA at ang European Union o EU na iurong ang kanilang aid sa Pilipinas.

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'

Sa kanyang speech sa Mass Oath Taking of Newly Appointed Officials and LMP na ginanap sa Malacanang nitong Martes, October 11, tinalakay ni Duterte ang pinag-ugatan ng kanyang pahayag upang hamunin ang US at EU na i-withdraw ang kanilang aid sa Pilipinas.

Naka-post sa YouTube ang nasabing speech ng Pangulo mula sa RTVMalacanang.

Sa isang punto ng kanyang speech, nagsalita si Duterte tungkol sa isang aktres na nagalit sa kanya at tinawag siyang psychopath.

Walang binanggit na pangalan si Duterte, ngunit malinaw na si Agot ang kanyang tinutukoy.

Pahayag ng Pangulo, “May nagalit, isang artista sa akin ano daw ako, psychopath.

“Well, I leave her to her Constitutional right to free expression.

“She should enjoy that.”

Sinasabing ang patutsadahan ng Pangulo at ambassadors ng ibang bansa gaya ng US at Australia, at ng EU ay nag-ugat dahil sa paraan ng pagsasalita na Duterte.

Sa isang punto ng statement ng Pangulo ng Pilipinas, sinabi nitong tila pinagbantaan siyang iwi-withdraw ang tulong sa Pilipinas kung hindi siya naging dahan-dahan sa kanyang pagsasalita.

“Takutin ka na parang kunin yung pagkain sa harap mo. Kaya ako nagalit,” saad ni Duterte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN