Sharon Cuneta loses three half-siblings in one-month span

IMAGE Mark Atienza

Tatlong kapatid sa ama ni Sharon Cuneta ang magkakasunod na pumanaw nito lamang nakalipas na mahigit isang buwan. Ininahagi ng Megastar ang kanyang saloobin tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kagabi, October 11.


Tatlong kapatid sa ama ng Megastar na si Sharon Cuneta ang pumanaw sa loob lamang nitong nakalipas na mahigit isang buwan.

Sa Facebook post niya ngayong Martes ng gabi, October 11, ay ibinahagi ng singer-actress ang kanyang pagdadalamhati sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga kapatid niya sa ama.

Humigit-kumulang isang buwan na ang nakararaan ay pumanaw ang kanyang half-brother na si Kuya Danny.

Pagbabahagi pa ni Sharon, “I was never particularly close to him, but there was no bad blood between us.

“I wanted to much to help him more, but I myself had way TOO many obligations to have to meet and like I said in interviews recently, though I would still be considered quite wealthy, I do still have huge concerns, like other investments that would not allow me too much freedom with handling cold cash at the moment.”

Dalawang linggo pa lamang ang nakararaan ay namatay naman ang kanyang Kuya Freddie.

Sabi ni Sharon sa kanyang Facebook post, “I felt worse about losing him as our Daddy wanted nothing more than ALL his very many children to get along.

“Kuya Freddie and my Mom had a falling out years ago. And, well, you know how fiercely protective I was of my parents.

“I regret that we never had the opportunity to make up and forgive each other in person.”

At nitong Martes, October 11, ay yumao na rin ang kanyang Ate Ningning.

Malungkot na saad ng Megastar, “Ate Ningning and my Mommy were able to spend time and talk in the hospital two years ago just before my Mama passed away.

“I grew up seeing Ate Ning and her children Abby, Bunny, Patrick and TonTon in our house more often than my other Cuneta relatives (except for my Kuya Butch who lived with us for a few years and who I still adore and love dearly).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I never had the chance to talk to her in the past several months. You always think there is going to be a tomorrow, until there are no more of it.”

Pahayag pa niya, “My condolences to all their, our family...

“I wish I could say more, but alas, these are private matters.

“All I can say is that if I could have been there more, in more ways than one, I would have without any hesitation.”

Hindi binanggit ni Sharon kung ano ang ikinamatay ng kanyang mga kapatid.

Sina Danny, Freddie, at Ningning ay mga kapatid ni Sharon sa kanyang yumaong ama na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

Iisa lamang ang ina ng tatlong magkakapatid.

Si Sharon ay anak naman ni Mayor Cuneta kay Elaine Cuneta, kung saan may isa siyang kapatid na lalaki, si Chet.

Hindi kailanman inilihim ng Megastar sa publiko na hindi sila ang unang pamilya ng kanyang yumaong ama.

“We're not even the second family — pang-ilan na kami,” pahayag ni Sharon sa panayam sa kanya ni Butch Francisco, na nailathala sa column nitong Star Bytes sa The Philippine STAR noong December 17, 2009.

Hindi nga raw matiyak ni Sharon kung ilan silang magkakapatid sa ama.

Natatawa niyang sabi noon kay Butch, “25 yata or 26. I do not know them all, but am close to those I know.”

Ang ina ni Sharon na si Elaine, kapatid ng aktres na si Helen Gamboa, ay legal na naging Mrs. Pablo Cuneta pagkatapos nilang ikasal ng dating Pasay City mayor sa Sanctuario de San Antonio, sa Forbes Park, noong 1993.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN