Agot Isidro will not be bullied

IMAGE Courtesy: GMA Network, Inc.

Hindi nagpapaapekto si Agot Isidro sa masasakit na salitang ibinabato sa kanya ngayon sa social media pagkatapos niyang tawagin si Pangulong Rodrigo Duterte na 'psychopath.' Nakakuha naman siya ng suporta mula sa ilang kasamahan sa industriya.


Hindi raw apektado ang singer-actress na si Agot Isidro sa pambu-bully na kanyang nararanasan ngayon sa social media.

Ito ay matapos niyang tawaging "psychopath" si Pangulong Rodrigo Duterte.

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'

Dahil dito ay kung anu-anong pambabatikos at masasamang salita ang ibinabato sa kanya ng mga tagasuporta ng Pangulo.

Maliban sa mga di magagandang komento ay gumawa pa ang ilang mga kritiko ni Agot ng memes at videos na personal na ang pag-atake sa kanya, kagaya ng sumusunod:



Pinuna rin ng bashers ang ginawang pagsuporta noon ni Agot kay Leni Robredo, na tumakbo at nanalong vice president noong May 2016 elections.

Sa bagong post ni Agot sa Instagram at Facebook ngayong Miyerkules, October 12, ibinahagi nito ang quote ng sikat na American poet na si Robert Lee Frost.

Ayon sa quote: “Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself.”

Good morning!

A photo posted by Agot Isidro (@agotisidro) on

Nakakuha naman ng suporta mula sa isang personalidad ang post na ito ng singer-actress.

Ang ilan sa kanila ay nagbahagi ng mensahe, thumbs up, at love emoticons:






Kahapon, October 11, nagbigay na ng pahayag si Pangulong Duterte tungkol dito.

Bahagi raw ng demokrasya ang free speech kaya malaya ang lahat, hindi lang si Agot, na maghayag ng kanilang opinyon.

Read: President Rodrigo Duterte reacts to being called 'psychopath'

#SUPORTAGOT. Samantala, nanawagan naman ang ilang kaibigan ni Agot sa Facebook na magpalit ng kanilang profile picture na may larawan ng Ang Probinsyano actress at may nakasulat na #SUPPORTAGOT, upang ipakita ang kanilang suporta sa kanya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN