Christian Bautista admits to insecurities as artist

IMAGE Rose Garcia

Christian Bautista on his insecurities: "Every half year, every six months, may bago. How do I handle it? Keep on going… They deserve their own breaks. They deserve their own piece of sky. And ikaw rin, as long as you keep on working… meron kang ilalabas… anuman 'yan, mag-business ka o mag-theater ka or kumanta ka, mag-release ng album. Patuloy na tuluy-tuloy hanggang maabot mo ang mga Basil Valdez na hanggang ngayon, nagre-release ng album."


Naniniwala si Christian Bautista na may insecurity ang lahat ng mga artist.

Pag-amin ng Kapuso singer, “I think every artist has insecurity.

“Yeah, I have insecurities as well.

“Kasi dati pa ‘yan, nasa ABS pa ako, meron nang mga bagong dumarating.

“Every half year, every six months, may bago. How do I handle it? Keep on going…

“They deserve their own breaks. They deserve their own piece of sky.

“And ikaw rin, as long as you keep on working… meron kang ilalabas… anuman ‘yan.

"Mag-business ka o mag-theater ka or kumanta ka, mag-release ng album.

“Patuloy na tuluy-tuloy hanggang maabot mo ang mga Basil Valdez na hanggang ngayon, nagre-release ng album.

“Hanggang ngayon, kasama ko sa provincial show and they’re still happy.

“Si Sir Jose Mari Chan, hanggang ngayon, merong bagong Christmas album… hanggang ngayon.

“So, patuloy lang, tuluy-tuloy lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Christian sa presscon ng When Julie Anne Meets Christian, ang concert nila ni Julie Anne San Jose sa Kia Theatre na gaganapin sa November 11, 2016.

UNFORGETTABLE SHOWS. Tatlong shows ni Christian ang hinding-hindi raw niya malilimutan.

Ang show sa isang bar noong unang taon ng kanyang singing career, ang concert sa Araneta Coliseum, at ang show niya sa Indonesia.

Lahad niya, “First show, isang bar na nagsara na. Ang nanood sa akin, sampung tao.

“First year of my career na parang idina-down ko yung sarili ko.

“Ganito ba ang dapat kong gawin kasi wala naman nanonood sa akin, pero itutuloy mo pa rin, di ba?

“Whether sampu ‘yan, nagbayad sila, e, para panoorin ka.

“Second, my first concert sa Araneta Coliseum.

“Ten thousand people were singing your song and then I realized, ito pala ‘yon.

“Buti na lang, itinuloy ko yung walang nanonood sa akin, kasi ito pala ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Third show, first concert in Indonesia.

“Wow, hindi lang Pilipino yung nanonood sa akin at kinakanta yung ‘The Way You Look At Me.’”

Patuloy pa ni Christian, “I go back to my first show, buti na lang, itinuloy ko kahit sampung tao lang yung nanonood sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN