Sharon Cuneta reveals she's a big AlDub fan: "I think they are both adorable."

IMAGE Noel Orsal (Sharon)/Instagram (AlDub)

Megastar Sharon Cuneta on Alden Richards and Maine Mendoza: " I think they are both adorable."


Aminado si Sharon Cuneta na maging siya ay big fan din ng AlDub, ang tawag sa sikat na tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa pamamagitan ng Twitter, inamin ni Sharon ang pagiging fan ng sikat na Kapuso love team nang sumagot sa ilang AlDub fans nitong weekend.

Nagsimula ang diskusyon nang mag-tweet ang isang AlDub fan na si Sharon daw ang unang artistang hinangaan nito at sumunod ang AlDub.

Isa pang ang nag-tweet at pinuri ang longevity ng career ni Sharon at umaasa siyang ganito rin ang itatagal ng AlDub.

Sumagot si Sharon sa mga nasabing netizens at ipinaabot sa kanila ang kanyang pasasalamat sa lahat ng AlDub fans.

Binanggit pa ng Megastar na isang AlDub fan ang kanyang anak na si Frankie.

“Please tell all ALDUB fans thanks so much!” bahagi ng tweet ni Sharon.

Aniya pa, “A big ALDUB fan & personally, I think they are both adorable.”

Tweet pa ng Megastar para kina Maine at Alden: “(L)ongevity in their careers & happiness!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN