Bianca Umali admits Miguel Tanfelix is a dream guy, so what are they waiting for?

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali says her door is shut to other suitors, but it looks like it's wide open for Miguel Tanfelix. She says, "Ang gusto po namin, kung ano po yung meron kami, iyon po yung ipapakita namin, e. Kumbaga, hindi rin naman po kasi talaga kami. Ayaw naming maging show-off lang. Ayaw rin naman po naming magmadali."


May usapan daw ang magka-love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na wala munang ligawan sa pagitan nilang dalawa.

“Yes!” pakli nila dahil priority raw nilang pareho ang kanilang showbiz career ngayon.

Tanong kay Miguel, paano kapag hindi na siya mahihintay ni Bianca at may makasingit na ibang manliligaw ang dalaga?

Si Bianca ang sumagot.

Aniya, “Well, ako po kasi, talagang ngayon, ayoko rin po kasi talaga pa.

“Pero kasi si Miguel po talaga is a… dream guy, e.

“At matagal ko na po siyang kakilala, so I can wait rin naman po.”

At natawa ang dalaga. “I guess I will!”

Sixteen ngayon si Bianca. Kapag 18 na siya?

“Not sure, e, not sure how old, kung ilang taon po ako magiging ready.

“Mga thirty!” at muli siyang tumawa.

Ang ibang love teams ay umaming may relasyon sila at pabor iyon sa mga taong involved mismo sa kanila.

Hindi ba iyon pressure kina Bianca at Miguel?

Saad ni Bianca, “Well, actually napansin rin po namin yun.

“Pero sa amin po kasi ni Miguel, kung ano po yung meron kami, iyon po yung ipapakita namin, e.

“Ayaw po namin yung porke umamin na sila, kailangan kaming dalawa din.

“Hindi po namin… kumbaga hindi rin naman po kasi talaga kami.

“So, ayaw naming maging show-off lang,

“Ayaw rin naman po naming magmadali.

“Kasi sa amin ni Miguel, talagang sinusulit namin yung kung ilang taon kami ngayon,

“Kung nasaan po kami ngayon, focused po kami sa mga priorities namin.

“Kasi alam po naming dalawa na dadating at dadating po kami dun.”

Hindi siya magpapaligaw sa iba?

“Wala pong nanliligaw sa akin,” diin ni Bianca.

Sa ganda niyang iyon?

“Wala po or baka… hindi po kasi talaga ako nag-e-entertain, at all.

“Hindi po ako din siguro kasi marunong mag-distinguish kung nanliligaw na ba siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Or pumoporma na po ba siya, hindi ko po alam.

“Talagang naka-close po yung doors ko for that.”

Regular na napapanood sina Bianca at Miguel sa Ismol Family tuwing Linggo at sa URL: Usapang Reel Love tuwing Sabado, sa GMA Network.

ART ENTHUSIAST. Samantala, iniidolo raw ni Bianca sina Solenn Heussaff at Heart Evangelista bilang mahuhusay na painters.

Bata pa nga lang daw si Bianca ay mahilig na siya sa art.

”Ever since fascinated na ako sa mga colors, sketches, and paintings.”

Nag-enjoy nga raw siya sa pagdalo sa ginanap na Manila Art Fair kamakailan.

Kuwento ni Bianca, “Grabe, ibang klaseng experience yun, as in nakaka-amaze!

“Nakita ko yung mga iba’t ibang klase ng art genres.

“Ibang klase siyang adventure para sa akin.

“Marami akong natutunan na mga bagay through the paintings and the artists.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN