Maui Taylor wants to play challenging roles for a change

IMAGE @mauilicious on Instagram

Maui Taylor says she misses showbiz life, "but at the same time, nagmamadali na din ako umuwi kaagad kasi I know my kids are waiting for me."


Kasalukuyang abala ang former Viva Hot Babes member na si Maui Taylor sa kanyang buhay-pamilya at culinary course.

Pagkatapos ng kanyang culinary course, plano raw ni Maui na magturo sa isang culinary school o kundi nama’y maging isang celebrity chef.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, paminsan-minsan daw ay naiisip niya ang dating karera sa showbiz.

“Sabi ko nakaka-miss din yung every day you’re at work.

“But at the same time, nagmamadali na din ako umuwi kaagad kasi I know my kids are waiting for me,” pagtukoy niya sa dalawang anak na lalaki na sina Antoine Miguel at Matteo.

Nito lamang Oktubre 5 ay muling napanood ang dating sexy star sa "Challenge Accepted" segment ng Eat Bulaga!, kung saan nakalaban niya ang kaibigang si Aubrey Miles sa isang BoxSing challenge.

Bahagi rin sa mga plano ni Maui ay ang pagbabalik showbiz.

“Actually, I just signed with Viva [Artists Agency]. I’m on a five-year management contract.

“So, it’s been almost a year palang since I signed, basically, kakabalik ko pa lang.”

Iiwanan na ba niya ang kanyang sexy image ngayong may dalawa na siyang anak?

Ani Maui, mayroon pa siyang ginampanan na daring role.

“I did Dalawang Gabi for Cignal Channel, kasi they have a series, di ba?

“It’s sexy, me and Wendell Ramos."

Paglilinaw niya, “Pero wala naman nang ipinakita.

“Everything was daya, and cinematography.”

Willing ba siyang gumawa ng indie films?

“I do have offers, pero hindi lang kasi kami masyadong magkasundo sa budget.

“Although... if the project is good, if it is right, kumbaga minus na, tatanggalin ko na yung price difference, kung maganda talaga yung material, I’ll be willing to do it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maui sa grand opening ng Johann Coffee and Beverages sa Blue Bay Walk, Libertad, Pasay City, nitong Linggo, Oktubre 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM PROJECT. Pagdating sa mga gusto niyang makasama sa isang project, dalawang pangalan ang nangingibabaw para kay Maui.

“Mangarap lang naman tayo, 'no, siyempre number one gusto ko makatrabaho si Sarah Geronimo sa ladies.

“Pero ang dream ko talaga dati pa ay si Albert Martinez.

“Hanggang ngayon, dream ko pa din na makatrabaho siya.”

Pagbibiro ni Maui, “Matagal ko nang ni-request sa Viva yun, hindi lang na-grant, so dream ko pa din yun.”

Pagbabahagi pa niya, “Kakagawa ko lang nung The Mysterious Case of Ana Madrigal, that’s for Viva.

“It’s coming out na on TV5, it’s a series na medyo suspense.

“Ang gusto ko talagang gawin is horror, kasi I’ve never been in a horror film.

“Pero gusto ko ako yung nananakot, ayoko kasing ako yung tinatakot.

“Gusto ko ako yung white lady, kasi feeling ko magagawan ko siya ng justice.”

Gusto raw ni Maui na makakuha ng roles na mailalabas niya ang galing sa pag-arte.

“I wanna play the role of a retard, yung mga challenging talaga, acting talaga."

VIVA HOT BABES MINI-REUNION. Posible bang magkaroon ng reunion ang Viva Hot Babes na dating kinabibilangan ni Maui?

Sabi ng aktres, “We do have shows pero out of town.

“As for reunion here in Manila, wala pa, kasi everyone is busy na rin with their own families.

“We do see each other every week, we try to. Pero performing as a group, wala pa.

“Pero yesterday, may pinuntahan kaming go-see for a miniseries and for a movie, so hopefully kinu-consider daw kaming lahat.

“Kapag nakuha naming lahat yun, parang mini-reunion na din.

“There were four of us yesterday, Jaycee Parker, Sheree, and Zara Lopez.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN