Aiko Melendez and Shahin Alimirzapour break up for real?

IMAGE Mary Aiko Melendez / Shahin Alimirzapour on Facebook

Tinuldukan na nga ba nina Aiko Melendez at Shahin Alimirzapour ang kanilang relasyon na nasa cool-off stage? Pareho kasing nagpu-post ang dalawa ng cryptic messages sa kani-kanilang social media accounts.


Tuluyan na bang naghiwalay si Aiko Melendez at ang Persian boyfriend nitong si Shahin Alimirzapour?

Nitong nakaraang Lunes, October 10, nag-post si Shahin sa Instagram tungkol sa "new life."

Nilagyan niya ito ng caption na: “Life is about change. Sometimes is painful. Sometime is beautiful. But most of the time, is both.”


Nauna na rito ang isa pa niyang post tungkol naman sa maturity.


Samantala, noong Lunes ay nag-post din si Aiko sa Instagram ng mensahe tungkol sa isinaradong pintuan sa buhay niya at ang pag-usad sa kinabukasan.

Saad sa kanyang caption: “Dare to leave your past mistakes and face the new start of your Life... Live your Life with Love and Compassion.”

Dare to leave your past mistakes and face the new start of your Life... Live your Life with Love and Compassion ??

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Burado na rin sa kani-kanilang Instagram ang mga larawang magkasama sila.

FACEBOOK POSTS. Sa Facebook account ni Aiko, may post ito kahapon, October 11, tungkol sa isang taong nais daw kaibiganin ang kanyang mga kaibigan.

Sabi ni Aiko, “Gosh.... trying to be friends with my friends.... You want to be an artista also???


Sa comment section, may isang kaibigan si Aiko na nagsabing bago raw pag-aralan ang role, dapat daw ay pag-aralan muna nito ang pagli-let go.


Kagabi, ganito naman ang post ni Shahin sa kanyang Facebook: “Don't push me to my limit.”

Matatandaang nitong nakaraang Setyembre ay sinabi ni Shahin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naka-break lang daw sila ni Aiko sa kanilang relasyon at hindi pa talaga naghiwalay.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aiko Melendez's Persian boyfriend clarifies rumored breakup: 'We are just taking a break.'

Nagpadala na ng mensahe ang PEP kina Aiko at Shahin sa nais nilang ihayag tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN