Joyce Ching happy about 'ex-goals' setup with Kristoffer Martin

IMAGE Noel Orsal

Although they already broke up, Joyce Ching said that her relationship with Kristoffer Martin hasn't changed. "Yung label, para pong yun lang. pero same old kahit [hindi na kami]. Yung mga friends nga po namin na hindi alam na naghiwalay kami, akala nila kami pa rin kapag nakikita."


Masaya ang Kapuso actress na si Joyce Ching ngayong muli silang magkakatrabaho ng ka-love team at ex-boyfriend niyang si Kristoffer Martin.

Ito ay sa bagong teleserye ng GMA Network na Hahamakin Ang Lahat.

Saad ni Joyce, “Masaya po, kasi si Kristoffer, very comfortable kami sa isa't isa.

“Kaya kapag may mga eksena, di na kami nahihirapan.

“Kapag halimbawa, may obligation sa scene na kailangan umiiyak, pag mabigat eksena, nagkakatulungan talaga kami nang sobra.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Joyce sa set visit ng Hahamakin Ang Lahat, sa Tivoli Subdivision, sa Quezon City, kahapon, October 12.

Sa katunayan, inihatid pa ni Kristoffer si Joyce papunta sa reporters pagkatapos nilang mag-shoot ng isang crucial scene para sa upcoming TV series.

EX-GOALS. Ayon pa kay Joyce, wala talagang ilangan sa pagitan ng dalawa.

Dahil nga sa madalas na pagsasama ng dalawa at nananatiling magkaibigan pagkatapos ng breakup, binansagan sila ng GMA Network bilang "ex-goals."

Reaksiyon dito ni Joyce, “Sobrang ex-goals.

“Kasi, di ba, yung mga tao ngayon, sobrang mainstream ng relationship goals, as couples?

“So, kami naman, as ex-couples.

“Parang dream kasi minsan ng mga ibang mag-e-ex na, 'Bakit [yung iba] friends pa rin sila or close pa rin sila or comfortable pa rin sa isa't isa?'

“So, kami, kami yun, yung sobrang comfortable, sobrang friends.”

Sa katunayan, parang label lang daw ang nabago sa kanilang dalawa.

“Yung label, para pong yun lang, pero same old kahit [hindi na kami].

“Yung mga friends nga po namin na hindi alam na naghiwalay kami, akala nila kami pa rin kapag nakikita.”

RECONCILIATION. Sabi ng 21-year-old actress, naka-move on na siya kay Kristoffer, subalit naniniwala rin daw siya sa second chances.

“Oo naman. Lahat naman may chances.”

Kaya naman natanong siya kung open pa ba siyang makipagbalikan sa ex-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Joyce, “Ano po bang sinagot niya?

“Sa akin, open naman po kami parehas.

“Sa ngayon po, ini-enjoy lang namin kasi, after a while, ngayon na lang kami yung palagi nagkakasama.

“Buong taping day magkasama kami so nag-e-enjoy naman kami.”

Inamin din ni Joyce na may kilig pa rin siyang nararamdaman sa tuwing nagkakaeksena sila ni Kristoffer.

“Kilig po? Oo naman!”

Napapabalita ngayong mayroon daw ibang girlfriend si Kristoffer, habang si Joyce naman ay single.

Hindi ba nakakadama si Joyce ng selos kapag naririnig niya ang tungkol dito?

Tugon niya, “Wala po. Hindi naman po porke't kinikilig, nagseselos!

“Kasi sobrang ako po, sobrang secure ako sa kung anong meron kami, anong relationship namin ngayon.

“Kaya parang no need na magselos or anything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN