Sen. Panfilo Lacson agrees with Agot Isidro's rant about President Duterte

IMAGE Instagram photo of Agot Isidro (left)/ABS-CBN Corp. Comm. (right)

"Kung sumama ang ekonomiya, madadamay lahat ng karamihan ng Pilipino na magugutom," says Senator Panfilo Lacson about President Rodrigo Duterte's statements against US, EU, and UN.


Sang-ayon si Senator Panfilo Lacson sa naging pahayag ng aktres na si Agot Isidro tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang tinawag ng FPJ's Ang Probinsyano actress si Duterte na “psychopath” sa kanyang Facebook post noong Biyernes, October 7.

Bahagi ng pahayag ni Agot: “Kung makapagsalita ka parang superpower and pilipinas eh.

“At excuse me, ayaw namin magutom. Mag-isa ka na Lang. wag kang mandamay.”

Ito ay bunsod ng mga nakaraang pahayag ng pangulo, kung saan sinabi niyang i-withdraw na ng USA, Europe, at kahit United Nation ang kanilang tulong sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Pangulong Duterte, “Maski magkahirap dito, we will survive. And I'll be the first one to go hungry and the first the one to die.

“Huwag kayong mag-alala. We'll never never compromise our dignity as a Filipino.”

Sa ulat ng GMA News, sinabi ni Lacson sa ilang Senate reporters kahapon, October 11, “Sa isang banda, si Agot Isidro may sense sinasabi; kung gusto mo magutom, magutom ka mag-isa, huwag mo kami idamay.”

Dagdag pa niya, “Kung sumama ang ekonomiya, madadamay lahat ng karamihan ng Pilipino na magugutom.”

Hindi rin daw nakatutulong ang pagbibitaw ng mga salita ni Duterte pagkatapos ay kanyang babawiin.

Katulad na lamang ng kanyang sinabi tungkol sa bilateral ties o joint military exercises ng Pilipinas at Amerika.

Ani Lacson, “Sinabi na puputulin bilateral ties or joint exercises then babawiin, na di talaga ganoon ibig sabihin, walang planong i-abrogate ang MDT. Anong maitutulong noon?

“Maraming maaapektuhan, hindi lang ang foreign policy, pati ang ating ekonomiya puwede tamaan, e.”

Kahapon, October 12, nilinaw ni Pangulong Duterte ang kanyang naunang pahayag.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Duterte, “We will not break our alliances, the US-RP, but we need to break or abrogate existing treaties because they say it would provide us with the umbrella.”

Sinabi rin niyang mananatili ang military alliance ng Pilipinas sa US dahil, “they say we need it for our defense."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN