Vic Sotto and Pauleen Luna on married life: "Busy kami sa paggawa ng baby!"

IMAGE Karen Pagsolingan-Caliwara

Vic Sotto on having a baby with wife Pauleen Luna: "Try and try until… siguro in God's time na mabiyayaan din kami ng supling."


Inamin nina Vic Sotto at Pauleen Luna na pareho na nilang gustong magkaroon ng anak.

Pero wala rin naman daw pressure pagdating sa aspetong ito ng kanilang buhay mag-asawa.

Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mag-asawa sa press launch ng bagong endorsement ni Vic na Chooks To Go, na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel, kahapon, October 12.

Tinanong namin si Pauleen bakit parang lalong bumabata ang asawa niya. Ano ang sikreto nito?

Pabirong sagot ni Pauleen, “Wala naman po. Busy lang kami sa paggawa ng baby.”

Napangiti si Vic nang ipinarating namin sa kanya ang sagot ng kanyang misis.

“Totoo ‘yan. Try and try until… siguro in God’s time na mabiyayaan din kami ng supling,” masiglang pahayag ni Vic.

Kaya kapag walang trabaho, isinisingit nila sa kanilang schedule ang magbiyahe dahil isa raw iyon sa mga bonding nilang mag-asawa.

Sabi ni Vic, “Even before we got married, alam niyo naman ang Eat Bulaga!, we always get treated to trips to wherever.

“At kaming dalawa naman, kahit road trip lang, nagkakatalo na kami, e — papuntang Subic o Bataan, sa South…

“It’s a way of parang getting way from it all sa trabaho.”

Dagdag pa niya, “Ayaw naman naming puro trabaho lang, e. Parang pang-therapy rin, pang-alis ng stress.

“Hindi naman puwedeng wala kang stress sa araw-araw na buhay. Pang-alis stress na rin yun, e.”

Kasama si Pauleen sa dinaluhang event ni Vic kahapon dahil ang 27-year-old actress-TV host pala ang nag-ayos ng endorsement ng mister.

Tuwang-tuwa si Pauleen dahil siya raw talaga ang madalas na nagdadala dati ng produkto ng nabanggit na chicken delivery sa studio ng Eat Bulaga.

Kaya mula sa pakikipagnegosasyon hanggang sa pirmahan ng kontrata at press launch ay nakatutok daw si Pauleen.

Sabi ni Vic, “Nakabantay talaga siya na kailangan okay iyan.”

Pero nilinaw ng 62-year-old comedian-TV host na hindi niya manager si Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkataon lang na ito ang nakapagsara ng bago niyang endorsement.

Dagdag ni Vic, “Pero she’s always been supportive kahit nung bago kami ikasal.

“Lalo na mas nagsama na kaming dalawa talaga, at iyon naman ang isa sa mga quality niya na talagang naibigan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN