Cloie Syquia-Skarne reunites with biological dad Gabby Concepcion

IMAGE Instagram (@cloiesyquia, @concepciongabby

Cloie Syquia-Skarne reveals it was her half-sister KC Concepcion who made it possible that she and biological dad Gabby Concepcion reconnect again.


Nagkitang muli si Cloie Syquia-Skarne at ang biological father nitong si Gabby Concepcion pagkatapos ng matagal na panahon.

Ikinuwento ni Cloie ang pangyayari nang mag-guest siya sa morning talk show sa ABS-CBN, kasama ang half-sisters niyang sina KC Concepcion at Garie Concepcion.

Si Cloie ay anak ni Gabby sa dating asawang si Jenny Syquia, na pumasok din sa showbiz noong dekada '90.

Si KC naman ay anak ng dating matinee idol sa Megastar na si Sharon Cuneta, at si Garrie ay anak ni Gabby sa businesswoman na si Grace Ibuna.

Sa isang article na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2013, sinabi ni Cloie na baby pa lamang siya nang huling beses niyang nakita niya si Gabby.

Read: Cloie Concepcion looks forward to seeing dad Gabby Concepcion after 17 years; looks up to sister KC as role model

Sa kanilang muling pagkikita kamakailan, sinabi ni Cloie na ang Ate KC niya ang gumawa ng paraan upang magkita sila ng kanyang ama.

Kuwento niya sa Magandang Buhay, na umere ngayong Biyernes, October 14, “Actually, this week, something very special happened and we connected,.

“And thanks to KC, we actually saw each other again after very long time again.

“And so that was very special and a happy moment for me because growing up, I've always wondered what that moment would be like.”

Sinabi rin ni Cloie sa isang interview na maayos na sila ng kanyang ama.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Cloie para sa gaganaping Miss Earth 2016, kung saan siya ang kinatawan ng Sweden sa nasabing beauty pageant.

Naninirahan na sa Sweden si Cloie at ang ina niyang si Jenny, na kasal na sa Swedish na si Filip Skarne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN