Christopher de Leon recalls he once lost everything to drugs: "Stay away... wala kang panalo diyan."

IMAGE Noel Orsal

By way of warning, Christopher de Leon relates his drug-induced past: "Demonyo talaga 'yang droga, alam ko 'yan. I was selling stuff, nobody wanted to get me for projects anymore. Friends were shying away from me… yung family ko, iniwan ako. Hang on to God, eventually, He will make a way for you."


Inaanak ni Christopher de Leon si Mark Anthony Fernandez kaya naman naapektuhan ang aktor sa pagkakaaresto nito dahil sa marijuana.

Pahayag ng Drama King, “Oh, wow, wow… shocked! A kilo… of marijuana?

“That’s kinda hard to tackle, ‘no?

“Hopefully one of these days I can visit my inaanak, inaanak ko pa yun!

“Just be ano, just be there, just visit him and make him feel that we care.

“Kasi wala ka namang masasabi, pag nandun ka sa loob, masasabi mo bang, ‘Kumusta ka?’ or ‘Okay ka lang ba?’

“Ang hirap… kasi ang kulungan talaga is hell, it’s hell!”

Kuwento pa niya, “Kasi naaalala ko yung pamangkin ko, di ba, sa Vizconde?

“Oo, acquitted, wala namang kasalanan, ang tagal, ang tagal [nakulong].

“And every time I went there, it was just, like, halos tahimik lang kami.

“Tapos, kuwento ng ibang mga kalokohan!”

Ang pamangking tinutukoy niya ay si Tony Boy Lejano, anak ng kapatid ni Boyet na si Pinky de Leon, na nasangkot, kasama ang anak ni Freddie Webb na si Hubert Webb, sa controversial Vizconde massacre noong 1992 at nakulong ng 15 taon.

Kumusta na si Tony Boy ngayon?

“Ah, he’s all over the world!” at tumawa ang aktor. “Biyahe nang biyahe.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher sa presscon ng pelikulang The Escort, na ginanap nitong Huwebes, October 13, sa 38 Events Place, sa Quezon City.

BEEN THERE, DONE THAT. Bilang isang artista, ano ang masasabi ni Christopher sa kampanya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga?

Lalo’t may listahan umano ng celebrities na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa award-winning actor, “Well, tama na, tama na yung pakinggan natin ang Presidente.

“Pakinggan natin yung mga babala… let’s get serious, let’s stay away.

“Demonyo ‘yan, demonyo talaga 'yang droga, alam ko ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve been there, I’ve done that and the only way that I was delivered from that was God.

“So, tamang-tama lahat ‘yan, sana maging way nila is to surrender themselves to our Maker.”

Pagbabahagi pa ni Christopher, “During those days na I was taking it, I was losing everything.

“I was selling stuff, nobody wanted to get me for projects anymore.

“Friends were shying away from me, my parents were worried like hell.

“Yung family ko, iniwan ako.

“Wala kang panalo diyan.

“Hang on to God, kapit-tuko ka sa Panginoon, eventually, He will make a way for you.”

Pagpapatuloy pa ng Philippine Drama King hinggil sa isyu ng droga, “Tama si Presidente… nagugulat nga ako.

“Akala ko nag-phase out na yang fad na ‘yan, e!

“Meron pa pala, e, ang dadami nilang nakukuha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN