Krista Miller admits pregnancy amid imprisonment due to illegal drug trade

IMAGE QCPD

Krista Miller: "Sana bigyan ako ng pintuan ni Lord para makalabas dito. Ang hirap...Yung pagbabago na gagawin ko ngayon mas lalong para sa anak ko."


Sa gitna ng kanyang pagkaditena dahil sa pagtulak ng droga, inamin ni Krista Miller na limang buwan na siyang buntis.

Ayon kay Krista, “healthy” daw ang kondisyon ng sanggol sa kanyang sinapupunan, base sa resulta ng kanyang physical examination sa Quezon City Police District (QCPD) crime laboratory.

Sa ulat ng 24 Oras reporter na si Marisol Abdurahman, kagabi, October 14, ibinahagi ni Krista na mayroon din siyang anim na buwang sanggol na naiwan sa kanyang mga magulang.

Emosyunal na lahad ng starlet, “Although nandiyan yung parents ko to take care of him, pero iba pa rin yung... Wala na nga siyang daddy, di ba, 'tapos wala pa yung mommy niya.

"Parang ang hirap.”

Dagdag ni Krista, gusto na niyang magbagong-buhay para sa kanyang mga anak.

“Sana bigyan ako ng pintuan ni Lord para makalabas dito. Ang hirap. Single mom na nga ako 'tapos ganyan pa.

“Yung pagbabago na gagawin ko ngayon mas lalong para sa anak ko.”


Pagkatapos ng kanyang physical examination, inilipat na si Krista sa Valenzuela City Jail mula sa Camp Karingal sa Quezon City.

Matatandaang naaresto si Krista sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City noong September 30. Nahuli sa akto ang starlet na nagbebenta ng shabu sa ilang undercover agents.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN