Jiro Manio emotional over face-to-face "dialogue" with Ai-Ai Delas Alas

IMAGE Screengrab from 24 Oras

Jiro Manio to Ai-Ai delas Alas: "Nagpapasalamat ako hindi dahil tinulungan mo ako, e... Dahil ni-rescue mo ako. At saka humihingi ako ng tawad dahil wala akong nagawa nung time na parang binubulungan ako...Gusto ko nang magbago," said Jiro, who went through a guided dialogue with Ai-Ai as part of his rehabilitation program.


Naging madamdamin ang paghaharap nina Ai-Ai delas Alas at Jiro Manio sa rehabilitation facility kung saan namamalagi ngayon ang aktor.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa "Chika Minute" ng 24 Oras kagabi, October 14, sorpresa ang pagdalo ni Ai-Ai sa “guided dialogue” kung saan ibinahagi ni Jiro ang lahat ng kanyang saloobin sa comedienne-TV host.

Si Ai-Ai ang itinuturing na pangalawang ina ni Jiro na siya ring nagpasok sa dating child actor sa rehabilitation center mahigit pitong buwan na ang nakakaraan.

“Nagpapasalamat ako hindi dahil tinulungan mo ako, e... Dahil ni-rescue mo ako,” seryosong sabi ni Jiro kay Ai-Ai.

“At saka humihingi ako ng tawad dahil wala akong nagawa nung time na parang binubulungan ako...

“Gusto ko nang magbago.”

Sa puntong ito ay makikitang napaiyak si Ai-Ai, lalo pa't nasubaybayan nito ang pagbuti ng kalagayan ni Jiro.

Patuloy na saad ng aktor, “Yung totoo lang, kinalimutan ko na kung ano man ang nangyari sa akin, wala na sa isip ko. Ayaw ko nang balikan pa yung masasamang bisyo.”

Nabanggit sa ulat na “drug-free” na raw si Jiro.

Desidido ang aktor na tapusin ang pagsailalim niya sa rehabilitation program bago siya tuluyang lumabas at magbagong-buhay.

“Ayaw ko pilitin sarili ko. Bandang huli magsisi ako o baka may mangyaring masama sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN