Prince Stefan spends weekend with non-showbiz partner in Singapore

IMAGE Prince Stefan Instagram

Prince Stefan on coming out: "Mas masaya ako ngayon. Mas ramdam ko ang mga taong nagmamahal sa akin."


"Love wins" ang tila isinisigaw ng StarStruck 4 alumnus na si Prince Stefan at ng kanyang non-showbiz partner na si Paolo Amores.

Sa kanilang Instagram accounts ay nag-share sila ng photos mula sa kanilang masayang bakasyon sa Singapore.

In matching colorful jacket

Couple matching jacket shopping at H&M

A photo posted by Prince Stefan (@iamprincestefan) on

With the city skyline as their backdrop

So good to be back and spend time with someone you love???? #SingaporeSkyline #LoveWins #Beb

A photo posted by Prince Stefan (@iamprincestefan) on

Talaga namang very open na si Prince sa kanyang pagiging isang gay, at simula raw noong nag-out siya, ang daming magandang pagbabago sa buhay niya.

Dahil sa kanyang pag-amin, nagkaroon siya ng teleserye sa ABS-CBN na Till I Met You at may natapos pa siyang dalawang pelikula sa ilalim ng VIVA Films, ang Working Beks at Bakit Lahat Ng Guwapo Ay May Boyfriend?

"Mas masaya ako ngayon. Mas ramdam ko ang mga taong nagmamahal sa akin.

"Noon, akala ko hindi ako natatanggap ng marami dahil nilabas ko na kung sino talaga ako. Ayoko na kasing magkunwari.

"Nagulat ako sa response ng maraming tao. Overwhelming ang pagtanggap nila sa akin.

"And it opened new doors for me para sa career ko.

"Kaya heto talaga ako. Mas happy at mas kilala ko na ang sarili ko," pahayag ni Prince sa kanyang interview sa programang Ano'ng Ganap? sa VIVA Channel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN