Dick Israel's wife dies of aneurysm

IMAGE Courtesy of GMA News & Public Affairs

Vivian Velez on details about the joint wake of Dick Israel and his wife Marilyn Michaca: "The family has decided to extend the wake together with his wife Marlyn Michaca for 2 more days and will be cremated together," said Vivian in a text message to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) this Sunday night, October 15.


Pumanaw ngayong Sabado ng gabi, Oktubre 15, ang misis ni Dick Israel na si Marilyn Michaca

Ito ay matapos ng mahigit na isang linggo nitong pagka-comatose dahil sa aneurysm.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagpanaw ni Marilyn mula kay Vivian Velez.

Sabi ni Vivian sa pamamagitan ng text messaging: “She was in a coma since last week pa due to aneurysm. But doctor can't operate because she was in a coma.”

Nito lang nakaraang Martes, Oktubre 11, ay pumanaw ang beteranong aktor na si Dick dahil sa cardiac arrest.

Bunsod nito, napagdesisyunan daw ng pamilya nina Dick at Marilyn na sabay na ang interment ng namayapang mag-asawa.

Hindi na rin itinuloy ang eulogy para kay Dick sa gabing ito.

Ani Vivian, “The cremation of Dick 'Tats' Israel is moved to October 18, Tuesday.

“The family has decided to extend the wake together with his wife Marilyn Michaca for 2 more days and will be cremated together.”

Apat ang naulilang anak nina Dick at Marilyn.

With reports from Arniel Serato


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN