Martin del Rosario not in favor of publicizing celebrity drug watch list: "I-verify muna..."

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario is not in favor of publicizing celebrity drug watch list: "Ako hindi ako pabor na ilabas yung list, kasi kung hindi siya verified... So public figure yung tao tapos mali pala yung bintang, kahit ano'ng mangyari, kahit mag-sorry pa, na nasabi yung pangalan mo diyan, nandun na yung damage."


Pinagdetalye namin si Martin del Rosario tungkol sa pagpapa-drug test niya nang dalawang beses noong makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 15, sa Cibo restaurant sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City para sa gala premiere ng Ang Manananggal sa Unit 23B na pinagbibidahan nila ni Ryza Cenon.

Read: Martin del Rosario tests negative for illegal drugs

Kuwento niya, “Four days ago.

“Lahat negative.

“Kasi yung first test ko, for shabu at saka ano lang e, marijuana.

“Tapos the day after, pina-test nila ako ulit for cocaine, ecstacy, morphine, lahat-lahat.

“Lahat negative.”

MANAGEMENT COMPANY'S DIRECTIVE. Bakit siya nagpa-test?

Dagdag niya, “Sinabi sa akin ng ALV management [ALV Talent Circuit, his management company].

“Parang part na yun ng ano nila, e.

“Yung ALV, random nagpapa-drug test ng mga talents nila.

“And gusto ko rin, wala lang akong time, pero gusto ko rin sana.

“Kaya nung sinabihan ako ng random drug test, ‘Ah, sige!’”

Noong araw daw na sinabihan siyang magpa-drug test ay agad-agad siyang nagpa-test.

OUT OF CURIOSITY. Umamin naman si Martin na matagal na rin daw mula noong sumubok siya ng marijuana.

Aniya, “Parang mga weed-weed pero parang naki-ano lang.

“Pero ayoko, e. Naubo ako, sobra!

“Pag isang ganun ko, naubo ako, masuka-suka ako, ayoko na.”

Ano ang comment niya sa mga artistang nagda-drugs o lulong sa ilegal na droga?

Sabi niya, “Masisira yung buhay nila sa drugs!

“Kasi mawawalan ka na ng pera, tapos parang siguro baligtad yung araw mo, di ba?

“Yung pagod ka na aligaga na hindi mo maintindihan, di ba?”

DUE PROCESS. Pabor ba si Martin na basta ilabas ang listahan ng mga celebrities na nagdodroga diumano?

“Ako hindi ako pabor na ilabas yung list, kasi kung hindi siya verified...

“So public figure yung tao tapos mali pala yung bintang, kahit ano’ng mangyari, kahit mag-sorry pa, na nasabi yung pangalan mo diyan, nandun na yung damage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap nang ibalik, so siguro bago nila ilabas yung list, i-verify muna, kasi I mean parang hindi fair sa marami,” diin ng Kapuso actor.

Nagpa-drug test na siya. Pero halimbawang paglabas ng listahan ay kasali ang pangalan niya, ano ang gagawin niya?

Tugon niya, “Ipapakita ko yung result para maipakita ko hindi ako nagda-drugs, kung ba’t nasama ako diyan hindi ko talaga alam, ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN