Vice Ganda praises Aura's intuitive acting prowess

Vice Ganda is all praises for Aura's amazing acting chops: "Kumuha ako ng script, tapos ituturo ko sa kanya. Ang bilis-bilis niyang matuto, pinapakinggan niya lang. Isang beses pa lang niya binasa yung sinulat ko, alam na niya agad."


Kasama sa pelikulang ginagawa ngayon nina Vice Ganda at Coco Martin ang mga batang aktor na sila Onyok at Aura.

McNeal Briguela sa totoong buhay, si Aura ang online sensation na sumikat kailan lang dahil sa kanyang kakaiba at katuwa-tuwang acting.

Nitong nakaraang Abril ay isinama na siya sa cast ng Ang Probinsyano, kunsaan gumaganap siya bilang si Mak-Mak, ang balut vendor na may crush kay Cardo (played by Coco).

Bagamat wala pang final title ang pelikula nina Vice at Coco, inaasahang muling magiging box-office hit ito, gaya ng Beauty and the Bestie na kanilang Metro Manila Film Festival entry nung nakaraang taon.

Kuwento nga ni Vice sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News tungkol kay Aura sa nakaraang Isang Pamilya Tayo: Ang Probinsyano anniversary concert nung October 8 sa Smart Araneta Coliseum, madali itong turuan at mukhang magaan ang loob dito ng tinaguriang Phenomenal Box Office Star.

“Nakakatuwa siya.

“Nung pinapunta ko nga siya dun sa bahay ko, sabi ko, 'Punta ka dito kasi may ituturo ako sa iyo.'

“Kumuha ako ng script, tapos ituturo ko sa kanya.

“Ang bilis-bilis niyang matuto, pinapakinggan niya lang.

“Isang beses pa lang niya binasa yung sinulat ko, alam na niya agad.”

“Mabilis siyang matuto, mabilis ang utak niya. Masarap siyang i-hone, madali siyang i-develop,” pagmamalaki ng Unkabogable Star.

Ayon din kay Vice, anuman ang napanood sa kanila ni Aura sa kakatapos lang na anniversary concert ay patikim lang sa mapapanood sa kanila sa pelikula.

“Sobra! Yung nakita ninyo kanina, maraming ganun ang magaganap sa pelikula.

“Okrayan lang kami nang okrayan ni Aura. Patikim,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
MUM ON MORAL ISSUE. May ilang tao, partikular na ang mga moralista, na nagsasabing tila hindi tama na isinama sa Ang Probinsyano si Aura dahil parang kinukunsinti ng show ang pagiging bakla sa napakamurang edad.

Para kay Vice, may kanya-kanyang opinyon ang bawat isa sa atin at mahirap baguhin ang paniniwala ng iba.

Pahayag niya, “Mahabang talakayin 'yan.

“Paniniwala 'yan ng gustong paniwalaan 'yan.

“Pag kinontest mo 'yan, hahaba.

“Kung ano ang gusto ninyong paniwalaan, paniwalaan ninyo, kasi kahit anong paliwang ang ibigay mo, kung sarado ang utak mo, di kayo magkakaintindihan.

“Ngayon, ang dami ng isyu sa Pilipinas na di nagkakaintindihan, kaya ayoko nang dagdagan pa.

“Kung yun po ang paniniwala ninyo, bahala po kayo.”

NO COMMENT ON CELEB DRUG WATCH LIST ISSUE. Sa balita naman na may drug list ang gobyerno ng mga artistang sangkot sa droga at maaaring pangalangan daw ng PNP ang mga artistang nasa listahan, ayaw magbigay ng Vice ng komento tungkol dito.

Paglinaw niya, “Unang-una, di naman ako bahagi ng adminstrasyon.

“Sino naman ako para magsabi na di aprubado sa akin?

“Saka ngayon, sa dami ng isyu, sa gulo at sa dami ng nagdedesisyon, ayoko nang dumagdag sa pagdidiskusyunan ng mga tao.

“Pag sinagot kita, magkakaroon pa 'yan ng sanga-sanga, hahaba pa ‘yan.

“Dun na lang tayo sa mga masasayang isyu.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN