Gladys Reyes attests to Inah de Belen's great acting potential: "Open siya to learn."

IMAGE Noel Orsal

Gladys Reyes on Oh My Mama! co-star Inah de Belen: "Hindi na ako nagtataka kung bakit malaki ang potensyal ni Inah dahil siyempre nga, di ba? Sa nanay pa lang, quotang-quota na ang talent, di ba? At ang gusto ko pa sa kanya, open siya to learn."


Kinumusta namin kay Gladys Reyes kung paano katrabaho si Inah de Belen sa Oh, My Mama! na GMA Afternoon Prime drama series nila.

Hindi ba siya nahihirapang kaeksena ang dalaga dahil maituturing na baguhan ito sa pag-artista?

Sabi niya, “Ah, hindi!

“At tsaka sweet rin na bata si Inah. Marespeto,” kuwento ni Gladys tungkol sa anak ni Janice de Belen.

“Of course, I’ve worked with Ate Janice sa mga teleserye.

“Hindi na ako nagtataka kung bakit malaki ang potensyal ni Inah dahil siyempre nga, di ba?

“Sa nanay pa lang, quotang-quota na ang talent, di ba?

“At ang gusto ko pa sa kanya, open siya to learn.

“Kasi iyon naman ang maganda. Hindi kasi lahat open sa ganun, e.”

ADVICE TO INAH. Ano ang advise/tips na binigay niya kay Inah?

Patuloy ni Gladys, “Siguro ang nabanggit ko lang kay Inah is to practice her Tagalog, kasi medyo nahihirapan siya sa mga lines namin na Tagalog.

“Kasi nga ang first language talaga nila sa bahay, English.

“So sabi ko sa kanya, ‘O, huwag ka munang magsalita ng English sa bahay ninyo.’

“Kasi bilang ate lang naman, not because nagmamarunong or nagmamagaling ka dahil mas matagal na tayo.

“Pero yung sa akin lang, malaking bagay na alam na alam mo yung dialogue mo dahil hindi na makakasagabal pag kailangan mong umiyak sa eksena.

“Iintindihin mo pa yung instruction ng direktor, yung blockings.

“Alam mo, akala nila madaling maging artista? Yung iba minamaliit ang pagiging artista.

“Lalo na po yung iba, di ba? Tumatakbo sa pulitika, sasabihin nila, ‘Artista lang 'yan.’

“Hindi nila alam, kailangan matalinong tao ka kapag artista ka kasi multi-tasking ka pag artista ka.

“Pag artist aka, dapat iintindihin mo ang instruction ng direktor, blocking, ang linya mo, emotional, di ba?

“Anong hinihingi nitong emosyon sa iyo. So kung ikaw e medyo mahina-hina, di ba, e ibig sabihin hindi ka talaga puwedeng maging mahusay na artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po sa inaano ko yung sarili ko, pero dahil nga passion ko po ito mula pa bata pa ako at importante rin na gusto mo yung ginagawa mo.

“Nakita ko kay Inah, gusto niya yung ginagawa niya.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys kamakailan sa taping ng Oh, My Mama! sa Marikina City.


DREAM TALK SHOW GUESTS. Tinanong naman namin si Gladys kung sino ang mga dream guests niya sa kanyang Moments talk show.

Mabilis niyang sagot, “Si Manny Pacquiao tsaka si Jinkee, silang dalawa.

“Siyempre isa sila sa well-known couples natin sa Pilipinas.

“Kaya lang, ngayon di ba very busy si Senator Manny? Siguro if ever, baka mauna na lang muna si Jinkee.

“So sana mapagbigyan nila ako sa imbitasyon ko, kasi ang Moments naman, sabi ko nga, hindi sila magsisisi kapag nag-guest sila dahil isang oras ang ibibigay ko sa kanila para maipakita yung... hindi lang yung side nila bilang artista pero bilang tao.

“Alam mo yun? Yung dito lang naman nao-open yung other side nila – kung sila ay entrepreneur din at the same time, kung paano sila maging nanay, paano sila maging tatay, kung ano yung side nila na may advocacies ba sila.

“Iba siya dun sa mga ibang interviews na, ‘O what’s up with your career?’

“The usual, ganun. Ito yung day-to-day life, di ba, ng isang well-known celebrity, na paano ito pag nasa bahay lang, ganyan, paano siya makipag-bonding sa pamilya niya.

“Bago pa siya naging artista, ano ba siya nun? Yung ganun.

“Kumbaga, up close and personal, hina-highlight natin yung tunay na pagkatao nung celebrity.”

Ang Moments ay celebrity talk show sa Net 25 na hinu-host ni Gladys, at napapanood tuwing Sabado 7-8:00 pm at may replays tuwing Linggo, 2-3:00 pm.

Magsi-siyam na taon na ang Moments at for the last four years ay co-produced na nito si Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN