Arnel Pineda encourages drug users in showbiz to stop: "It will ruin your life."

IMAGE Arniel C. Serato

Aminado ang Journey frontman na si Arnel Pineda na noon ay nalulong din siya sa droga ngunit kusa na rin daw niya itong tinigilan dahil hindi maganda ang naidulot nito sa kanyang kalusugan at boses. Kaya naman hinihikayat niya ang lahat ng nagdo-droga na tumigil na habang maaga pa.


Labing-apat na taon na raw ang nakalipas mula noong tumigil ang Journey vocalist na si Arnel Pineda sa paggamit ng ilegal na droga.

Napagtanto daw niyang walang naidudulot na maganda ang bawal na gamot sa kanyang buhay.

Panimulang kuwento ng singer, “I think it will not do you really good, e, ang pagda-drugs.

"So I think kung sino man yung mga tao na concerned, taga-showbiz man sila o hindi, they should stop.

“Kasi, personally hindi siya maganda talaga sa katawan mo, e. It will just ruin your health and eventually it will ruin your life.

“Ako, matagal na. I’ve been off the hook for fourteen years.”

Anong ba ang mga naranasan ng mga lulong sa droga katulad niya noon?

Lahad niya, “The worst you can imagine pagdating sa drugs.

"Health mo, not so good, voice mo, not so good, life mo, wala. It’s always down and out ka.”

Pero di ba sinasabi ng ilan na kapag high daw ay maganda ang performance ng isang singer katulad niya?

Tugon ni Arnel, “Pansamantala lang yun. But the bad permanent effect is the one that’s inevitable. That’s the one that you should worry about.

“Yun yung temporary fun, good fun, good sex, good night life, pero pag lagi mo na siyang ginagawa, again it’s your health and it’s your life.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media si Arnel sa grand pesscon ng upcoming concert nilang Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers kaninang hapon, October 16, sa Eclipse Bar, Solaire Resorts and Casino.

Kasama sa presscon ang X-Factor UK finalist na 4th Impact.


WAR AGAINST DRUGS. Matindi ang kampanya ng gobyerno ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayon na sugpuin ang paglipana ng ilegal na droga sa bansa.

Kaya naman kahit sa showbiz ay masigasig ang mga pulis sa paglansag ng mga user at pusher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga nasampulan nito lamang mga nakaraang araw ay sina Sabrina M., Krista Miller, at Mark Anthony Fernandez.

Sa kanyang opinyon, pabor ba siyang isapubliko ng mga pulis ang mga pangalan ng mga adik at pusher sa showbiz?

Sabi niya, “Hindi ako makapag-comment diyan, e.

“I hope hangga’t may time, kung sino yung mga involved, they should stop. Kasi sayang, e.

“Sa showbiz sobrang suwerte nila, maganda ang access nila money-wise, fame, tapos yung mga taong umiidolo sa kanila.

“I mean, what more could they want sa buhay nila para i-sacrifice nila yung pagtigil sa drugs.

"I think it’s a small thing from the big picture that they have you know sa buhay nila.”

Lumutang din ang usapin tungkol sa medical marijuana. Pabor ba siyang i-legalize ito?

Aniya, “Sa Amerika kasi pag na-base ako dun, napapanood ko ‘yan, e.

“Marami nang naitutulong, kasi iba-iba yung species ng marijuana, e.

"Meron yung specie na hindi nakaka-high, e, yun yung ginagamit para dun sa mga may sakit.

“Pero yung mga nakaka-high yun naman yung sanhi na nagiging psychotic ka, so I think marami pang dapat pag-usapan.

“So, kailangan siguro ng tulong ng science din tsaka ng gobyerno. They should talk about it, mahimay nila.

“Pero at the end of the day, kung makakatulong talaga sa mga tao lalo na sa mga may sakit, lalo na sa mga epileptic, I think we should legalize it.

"Pero kung ili-legalize ‘yan para lang ma-legalize yung pagiging adik, huwag na lang.”

POWERHOUSE. Kagagaling lang ni Arnel sa Amerika dahil sa maraming gigs ng kinabibilangan niyang bandang Journey doon.

Ngayon naman, sabak agad ang singer sa promotion ng kanilang paparating na Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers concert kasama sina Michael Pangilinan, 4th Impact, at Morisette Amon sa darating na October 28 sa The Theatre at Solaire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisilbing front act sa konsiyerto si Mayumi at ang T.O.M.S. band.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN