Ai-Ai delas Alas conferred with Papal award for her 'distinguished service to the church'

IMAGE Noel Orsal

Comedy Queen Ai-Ai delas Alas will be conferred with Pro Ecclesia et Pontifice medal, which is given by the Roman Catholic Church "to exemplary lay persons as a recognition for their distinguished service to the church."


Kinumpirma ni Most Reverend Bishop Antonio Tobias na Papal awardee ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas dahil ito ang tatanggap ng Pro Ecclesia et Pontifice medal mula kay Pope Francis.

Ito ang nilalaman ng official letter ni Bishop Tobias tungkol sa karangalang igagawad kay Ai-Ai:

“With great joy in my heart, it is my pleasure to notify you, MARTINA EILEEN HERNANDEZ DELAS ALAS, that Holy Mother Church through His Holiness Pope Francis, has awarded you the Pro Ecclesia et Pontifice (Latin for For Church and Pope) medal.

“Please be informed that the Pro Ecclesia et Pontifice medal is given by the Roman Catholic Church to exemplary lay persons as a recognition for their distinguished service to the church.

“Be it known that this is considered as the highest medal awarded to the laity by the Pope.

“Indeed, we have every reason to offer our praise and thanksgiving to the Lord for we have been given this recognition even if we are humbled on account our many limitations.”

Tulad ng inaasahan, masaya si Ai-Ai sa karangalang igagawad sa kanya.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I am humbled and honored na nabigyan ako nito sa dami ng tao sa mundo, isa ako sa mga nabiyayaan.

“Hindi ko ine-expect and hindi ko deserve ito, pero may plano ang Diyos kung bakit Niya ako binigyan ng ganito. Susunod lang ako sa Kanya.

“Siguro ay magiging instrumento ako para palawakin ang Catilisismo at makatulong pa sa aking kapwa sa abot ng aking makakaya.”

Si Ai-Ai ay isang Marian devotee.

Matatandaang noong November 2015 ay nagsagawa pa siya ng concert na pinamagatang “For The Love of Mama” sa MOA Arena, bilang pasasalamat at pagbibigay-pugay kay Mama Mary.

Isa rin itong fundraising project para sa pagpapatayo ng Kristong Hari Church sa Commonwealth Ave., Quezon City, at ng Anawim Lay Missions Foundation, Inc. sa Montalban, Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN