Katrina Halili slams basher over old sex scandal: "Inggit ka? Gawa ka din, dali!"

IMAGE Noel Orsal

Hindi napigilan ni Katrina Halili ang sarili at sinagot ang isang basher sa Twitter kung saan muli nitong inungkat ang kanyang video scandal noon.


Muli na namang nabuhay ang usapin tungkol sa video scandal ni Katrina Halili dahil sa isang basher ng Kapuso actress sa Twitter.

Habang marami ang pumupuri sa performance ni Katrina bilang kontrabida sa teleseryeng Sa Piling Ni Nanay ng GMA Network, nakalusot ang naturang basher at binalikan nito ang nananahimik nang kontrobersiya noon ng aktres.

Sabi ng Twitter user na si @insider_showbiz: “Kat, ang galing-galing mo sumayaw sa sex scandal.”

Buwelta ni Katrina: “Talaga? Inggit ka? Gawa ka din, dali.”


Dagdag pa ng basher: “Katrina sarap ulit-ulitin ang scandal mo… kasama ka siguro sa watch list about drugs.”

Tugon naman ng Kapuso star: “Push mo 'yan! Samahan mo ng Bible ah…”


Pinayuhan naman ng ilang fans si Katrina na huwag nang sagutin at patulan pa ang nasabing basher.

Pero ayon sa aktres, “At least napasaya ko siya today! Yun ang importante. Ulit-ulitin niya para masaya palagi.

“Sana maging masaya siya sa buhay niya, mukhang miserable kasi.”


Matatandaang noong 2009 ay pumutok ang video scandal nina Katrina at Hayden Kho Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN