Cynthia Patag, Jim Paredes in hot water for linking death of Iwi Laurel's husband to Duterte's war on drugs

IMAGE Facebook

Iwi Laurel (right) on Jim Paredes (center) and Cynthia Patag's (left) Facebook post about her dead husband: "If you are a good person, you will stop spreading all these lies. If you have compassion, you will understand that we are grieving for someone we love very much who was a good person and we miss him terribly."


Mariing kinondena at pinalagan ng netizens at maging ilang celebrities ang diumano’y paggamit ni Jim Paredes, asawa nitong si Lydia Paredes, at ng retired singer-actress na si Cynthia Patag sa isang patay para lamang batikusin ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Nitong Sabado, October 15, isang post sa Facebook ang ibinahagi ni Cynthia.

Ito ay pribadong mensahe raw na ipinadala sa kanya ng misis ni Jim na si Lydia.

May natanggap diumanong balita si Lydia na namatay raw ang musikerong si Noli Asensio dahil naging biktima ito ng 'war on drugs' ni Duterte.


Makalipas ang ilang oras, in-edit ito ni Cynthia at sinabing isinugod sa ospital si Noli dahil sa 'chest pains' at namatay ito roon.

Ngunit kinumpirma niyang nasangkot ito sa ilegal na droga at nakulong ilang taon na ang nakalilipas.


Umalma ang mismong pamilya ni Noli dahil sa maling impormasyong ipinakalat ni Cynthia, na mula sa mag-asawang Jim at Lydia.

STOP SPREADING LIES. Sa kanyang Facebook account, mariiing pinabulaanan ng misis ni Noli na si Iwi Laurel ang laman ng viral post ni Cynthia.

Pamilyar ang pangalan ni Iwi sa ilan dahil dati siyang singer at kapatid ng singer-actor na si Cocoy Laurel.

Ang ama niya ay ang yumaong vice president na si Doy Laurel.

Si Noli naman ay anak ng soprano at aktres na si Fides Cuyugan-Asensio.

Ayon kay Iwi, ang kanyang mister ay hindi biktima ng 'Duterte's war on drugs.'

Nakiusap din siyang huwag gamitin ang kamatayan ng kanyang asawa para sa pansariling interes at motibo ng iba.

Saad niya, “Many concerned friends have approached me at Noli's wake about Facebook posts that have gone viral. Please allow me once and for all to help you get your facts straight.

“Fact: Noli was not abducted and drugged.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Fact: He was not killed.

“Fact: Noli was not a victim of 'Duterte's war on drugs.'

“Forgive me for saying this, but you were not in the ER during his last moments and we never appointed you to be the family's spokesperson. So please, do not use Noli's passing for any of your political motives and schemes.

“If you are a good person, you will stop spreading all these lies. If you have compassion, you will understand that we are grieving for someone we love very much who was a good person and we miss him terribly.

“If you have extra time in your hands, I suggest you pray. Yes, prayer is the best thing you could engage in right now.

“And when you feel the urge to post anything again, maybe ask yourself if your words are true, necessary and helpful. But prayers please. We could find comfort in your prayers during these difficult times.”

Sa post na ito ni Iwi, nagkomento sina Rajo Laurel at Lea Salonga tungkol sa maling balitang ipinakalat nina Cynthia, Jim, at Lydia.


'IDIOTS AND YELLOWTARDS.' Labis ding ikinagalit at ikinadismaya ng anak nina Noli at Iwi na si Nicole Asensio ang maling impormasyong ipinarating tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama.

Sa kanyang Facebook post, tinawag ni Nicole ang grupo nina Cynthia na 'yellowtard idiots' dahil sa pagpu-post nila ng maling impormasyon.



Ang ‘Yellowtards’ ay ang bansag ng avid Duterte supporters sa avid supporters ng Liberal Party, ang partido ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sina Jim at Cynthia ay kilalang tagasuporta ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Aquino at hayagan ding bumabatikos sa administrasyong Duterte.

Kasunod nito, nag-post din si Nicole ng maaanghang na salita laban sa aniya’y mga iresponsableng taong gumamit sa kamatayan ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My father died with me in Makati Medical Center ER... Right beside me at his final hours...

“I am appalled at the yellow idiots who have gossiped and gossiped about his life and death, plotting to use his death to fuel their political schemes.

“Some of these yellowtards were my friends... Some are my own blood relatives. Read my mom's post. Swallow it. Close your mouth when you chew.

“If you were so concerned about my dad or the family why didn't you pay your respects? Thought so. It's all about you.

“You're not helping yourselves, the grieving family or the country by using my fathers death for your own vanity. LET ME LOVE AND HONOR HIM IN SILENCE.”

"I DO NOT WISH HARM ON JIM, LYDIA, CYNTHIA..." Sa post niya ngayong bandang alas-sais ng gabi, tila humupa na ang galit ni Nicole.

Kahit sobra raw ang galit na kanyang nararamdaman, gusto niyang mag-move on na sa pangyayari ngayong nailibing na rin ang ama.

Hindi rin daw siya nagtatanim ng sama ng loob kina Jim, Lydia, at Cynthia.

Pahayag ni Nicole, “This is not about politics. It never was. It's supposed to be about love and respect, and helping one another no matter who we voted for.

“I'm appealing to people who may have been angered by this issue just like you can imagine I have been... Please, let's try our best to spread love.

“Please don't further the conflict by insulting or wishing harm on anyone. I don't need soldiers, I need real friends. Yes it's true, I am deeply hurt by the disrespect my family has endured and I reacted because the gossip isn't true... but I do not wish harm on Jim, his wife and Cynthia. Not one bit.

“That's not how my parents raised me. Let the healing begin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My dad needs to rest and get up there to heaven and he can only do that if the people he loves give him peace and prayers. Thanks.”

FACT-CHECKING. Sa kanyang Facebook account, nagbahagi ang Pinay Broadway star na si Lea Salonga ng pananaw niya sa isyu.

Saad niya, “To be completely fair I saw no posts purporting the recent passing of Noli Asensio to have been more than a cardiac arrest. However, from this post of Iwi Laurel, it seems there were. Shame on those that have, to further their own agendas, spread lies. Fact-check please before you post. And please say a prayer for Noli and for the family he left behind.”

Dito ay sumagot naman si Iwi:

Image: Facebook


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN