Mocha Uson, Ateneo scribes tangle on Facebook

IMAGE Facebook posts of Mocha Uson Blog

Matanglawin wants Mocha Uson to take down her post showing Facebook profile of its editor-in-chief: "Ang paglalantad ng personal na impormasyon nang walang pahintulot mula sa taong nagmamay-ari nito ay isang anyo ng cyberbullying."


Sari-saring opinyon ang naipahayag tungkol sa ginawang lampoon issue ng official student paper ng Ateneo de Manila University na Matanglawin.

Noong nakaraang linggo ay naging subject ng taunang mapanuyang isyu ng Matanglawin ang kilalang die-hard supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Mocha Uson.

Sa naturang isyu ay nakalathala ang katagang “Mochang Tanga Blog,” na tila isang pagkutya sa kilalang Facebook page ni Mocha na “Mocha Uson Blog.”

Nakarating sa sexy celebrity ang tungkol sa naturang satirikong isyu ng Matanglawin, kaya naman tinanong niya sa kanyang mahigit four million Facebook followers noong October 14, “Isang Atenean friend just told me pinamimigay daw ito sa loob ng Ateneo de Manila University. Gaano katotoo ito? Paki share nalang mga DDS para umabot sa mga Atenista.”

Kasunod nito ang komento ni Mocha sa mismong FB blog niya: “Patago daw na pinamimigay. Kasama ng ibang reading material ng school mismo. Wag po natin lahatin ang mga Atenista. Naniniwala ako madami diyan ang mahal nila bayan natin.”

Subalit agad naman nilinaw ng Matanglawin ang tungkol sa kanilang inilabas na lampoon issue na tinatawag nilang Tanganglawin.

Sa Facebook post noong araw ding iyon, sabi ng pamunuan ng Matanglawin: “Sa Tanganglawin, nais ng pahayagang itatak ang mga problemang panlipunan sa isip ng mga Atenista at mga Filipino sa pamamagitan ng makatawag pansing paraan ng pagpapatawa.”

Tila positibo namang tinanggap ni Mocha ang paliwanag ng Matanglawin.

Sa katunayan, sinabi pa niya, “If it is one of your way in tackling the issues in social media then I am supporting it regardless of its negative impact towards me.

“I just hope that if this school organization of Ateneo de manila has time to spare and create a satire using my blog as the center, I hope they can also tackle ang pagiging biased ng ilang news outlets and use as well ang ibang anonymous blogs/pages who are really spreading fake news/article.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hiling ko po ay sana hindi lamang po nakafocus ang attention sa mga Duterte supporters kung talagang nais niyong talakayin ang problema sa social media.”

POSTING MATANGLAWIN'S PROFILE. Bagamat nalinaw na ang tungkol sa Tanganglawin, tila nag-iba ang ihip ng hangin nang makuha ni Mocha ang screencap ng personal profile ng editor-in-chief ng Matanglawin na si Rafael Maya Capinpin Talabong, na nai-share niya sa kanyang Facebook page kahapon, October 16.

Sa collage ng dalawang larawan, nakabilog ang “Editor-in-Chief Matanglawin Ateneo” at naka-connect ito sa nakabilog din na “Intern at Rappler.”

Sabi ni Mocha, “Could this be one of the reasons why I was used as front of matanglawin's satire? You know that I'm one of the people criticizing rappler's way of reporting. So ito ba ang way nila ng pag-atake sa akin pabalik na hindi ginagamit mismo ang rappler? Sayang, akala ko pa naman totoo na 'it is to discuss the problems in social media.'”

Dahil dito, naglabas ng panibagong pahayag ang Matanglawin para ipabura ang naturang post na nagpapakita ng Facebook profile ng kanilang punong-patnugot.

“Tinatawagan namin ang pagbura ng kaniyang pagpaskil ng larawan ng profile ng punong patnugot ng publikasyon na si Rambo Talabong.

“Ang paglalantad ng personal na impormasyon nang walang pahintulot mula sa taong nagmamay-ari nito ay isang anyo ng cyberbullying at paglabag ng kalayaan sa pamamahayag na inimandato ng pambansang konstitusyon.”

Gayundin, nanindigan ang student publication ng Ateneo na, “[T]umatayo ito bilang organisasyon at publikasyon para sa malaya at mapagpalayang pamamahayag habang may malalim na pananagutan sa Diyos at sa Kaniyang bayan.

“Wala itong kinikilingan kundi ang pagbibigay ng espasyo para sa mga marhinalisado nang marinig ang kanilang boses, kung kaya’t hindi totoong isa itong anyo ng pag-atake ng Rappler pabalik sa MOCHA USON BLOG.”

Halos ganito rin ang naging pahayag ng isa pang opisyal na pahayagan ng Ateneo, ang The Guidon, sa official website nito: “We condemn Mocha Uson’s irresponsible posting of Matanglawin Editor-in-Chief Rambo Talabong’s profile on her Facebook page in relation to the Tanganglawin issue this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As colleagues in journalism, we find this action alarming and dangerous.

“Uson should have thought about the implications of her act.

“She has unnecessarily exposed Talabong to cyberbullying by posting his personal details, therefore opening the possibility of endangering him and his rights.”

Kaugnay pa rin nito, isang open letter naman ang ibinahagi ni Jeff Crisostomo sa kanyang Facebook page para kay Mocha.

Idiniin niya rito na ang ginawang pag-post ng profile ng editor-in-chief ng Matanglawin ay isang paraan ng pangbu-bully.

“A college publication has less clout and reach compared to your platform fueled by undiscerning trolls. You're the one who's doing all the bullying by posting a screen cap of the Facebook account of a student. Shame on you and your blind minions. People like you are a disgrace to the freedoms we value, which you have completely abused.

Sa ngayon ay naka-post pa rin ang naturang photo collage ng Facebook profile ng editor-in-chief ng Matanglawin na si Rambo Talabong.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ni Mocha tungkol sa bagong isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN