Ritz Azul reveals she gets more attention as Kapamilya

IMAGE Rose Garcia

Ritz Azul: "Nagulat na lang ako pagpasok ko ng ABS. Dati, sinasabi ko na wala, wala talagang nanliligaw. Tapos, ewan ko, siguro na-catch ang attention nila noong lumabas ako sa ABS."


“Single” ang natatawang sagot ni Ritz Azul nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang love life ngayon.

Ayon pa sa aktres, “Single, walang etchos, ikukuwento ko kung meron.

“Paramdam? Meron, sa gilid-gilid.

“Actually, nagulat na lang ako pagpasok ko ng ABS.

“Kasi dati, sinasabi ko na wala, wala talagang nanliligaw.

“Tapos, ewan ko, siguro na-catch ang attention nila noong lumabas ako sa ABS.”

Mga non-showbiz daw ang mga ito.

Wala pa raw Kapamilya actors na nagpaparamdam sa kanya mula nang lumipat siya sa ABS-CBN mula sa TV5.

“Hindi pa kasi ako masyadong nae-expose sa ibang Kapamilya stars,” sabi pa ni Ritz.

Pero nakapag-adjust na naman daw siya bilang isang Kapamilya.

Kuwento niya, “Noong una, medyo kinakabahan ako.

“Nagiging open ako sa Dreamscape na naninibago po ako sa sistema.

“Pero sabi nila, 'Huwag kang pa-pressure.'

“Todo-support naman sila sa akin and siguro nakapag-adjust ako after two, three months sa taping.

“Kasi sobrang family yung tanggap nila sa akin.”

MOVING ON. Nakausap ng PEP si Ritz sa ginanap na launching ng Italian hair product na Selective Professional sa Solaire Hotel kamakailan.

Sa naturang event, nakasamang muli ni Ritz ang mga dati niyang kasamahan sa TV5 na sina Mark Neumann at Shaira Mae.

Ayon kay Ritz, nanghihinayang siya sa mga kasabayan niya sa Kapatid network.

Paliwanag niya, “Kasi may talent din sina Shaira, sina Mark.

“Kanina nga, nag-uusap kami, pero ako, nakaka-feel na ako na blessed ako.

“Naka-move-on ako kahit papaano.

“Medyo nakakalungkot lang yung mga nangyayari ngayon, pero sana, sana maging maayos lahat.”

Ang tinutukoy ni Ritz ay ang mga pagbabago sa management ng TV5 na naging dahilan upang mawalan ng trabaho ang karamihan sa mga artista at staff nito.

Samantala, nagkita na raw sila ng iba pang TV5 artists noon na katulad niya ay nasa bakuran na rin ng ABS-CBN.

Ayon kay Ritz, “Nagkita na kami ni Vin [Abrenica], masaya rin naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Sophie [Albert] hindi ko pa nakita, e, pero mukhang masaya si Vin.

“Nakakatuwa lang, para kaming nagkaka-reunion.”

SEXY IMAGE. Isa pang dating prinsesa ng TV5 na si Arci Munoz ang namamayagpag ngayon sa ABS-CBN.

Nakakailang box-office movies na rin ito, pero masasabing game at daring ito sa mga ginagawang karakter.

Kaya rin ba ni Ritz ang ginagawa ni Arci?

Tugon niya, “Pagpasok ko kasi ng ABS, nabanggit sa akin kung paano ang plans.

“Medyo iba tayo ngayon.” saad niya.

Pero si Ritz na rin ang nagbanggit na naranasan na niyang magpaseksi nang mag-cover siya sa FHM.

May sexy dramaserye rin siyang nagawa.

Saad niya, “Hindi naman ako nagsasara ng door sa pagiging pa-sexy, nandiyan pa rin naman ‘yan, e.

“At saka, nakakatuwa nga na nakikita nila akong sexy.

“Pero gusto ko muna ngayon na makilala nila ako kung sino ako.

“Kung sino ang simpleng Ritz, para makita rin ng tao na hindi lang puro paseksi.”

Kasalukuyang ginagawa ni Ritz ang Promise of Forever sa ABS-CBN kunsaan leading men niya sina Paulo Avelino at Ejay Falcon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN