Cynthia Patag says sorry for false FB post about musician's death: "It was a simple case of 'wrong send.'"

IMAGE Facebook of Cynthia Patag, Nicole Laurel Asensio, Iwi Laurel

Humingi na ng paumanhin si Cynthia Patag (kaliwa) sa pamilya ng namayapang si Noli Asensio sa tila kawalang respetong nagawa niya sa pag-post sa Facebook ng diumano'y sanhi ng kamatayan ng asawa ni Iwi Laurel (kanan) at ama ni Nicole Asensio (gitna).


Humingi na rin ng paumanhin ang retired singer-actress na si Cynthia Patag kay Iwi Laurel at sa anak nitong si Nicole Laurel Asensio.

Ito ay matapos kuyugin si Cynthia ng netizens at ng pamilya mismo ng namayapang musikero na si Noli Asensio dahil sa paggamit diumano niya sa kamatayan ng huli upang batikusin ang pinaigting na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Bukod kay Cynthia, tinuligsa rin ng maraming netizens ang beteranong singer na si Jim Paredes at ang asawa nitong si Lydia Paredes dahil sa kanila raw nagsimula ang isang false FB post na diumano'y biktima si Noli ng 'war on drugs' ng Duterte administration.

Read: Cynthia Patag, Jim Paredes in hot water for linking death of Iwi Laurel's husband to Duterte's war on drugs

Matapos ang ilang araw, humingi ng dispensa si Jim kina Nicole at Iwi.

Read: Jim Paredes apologizes to Iwi Laurel and daughter Nicole; denies politicizing musician Noli Asensio's death

“MY DEEPEST APOLOGY.” Ngayong umaga ng Martes, October 18, nagpaabot na rin ng kanyang dispensa si Cynthia sa pamilya ni Noli sa pamamagitan ng Facebook.

Dito ay inilahad ni Cynthia ang pagkakamali sa pag-post publicly ng isang private message mula kay Lydia, ang asawa ni Jim.

Inamin din niyang nagalit sa kanya si Jim dahil sa kanyang ginawa kaya kaagad niyang binura ang naturang post noong Sabado, October 15.

Narito ang buong mensahe ni Cynthia:

“To Iwi Laurel and Nicole Laurel Asencio:

“Please accept my deepest apology for mistakenly reposting about Noli Asencio's demise.

“You see, people constantly send me material to post on my Facebook wall for a wider reach.

“I received the PM from, Lydia M. Paredes; it was a simple case of 'wrong send.'

“Normally, I wouldn't have posted it since I didn't know the Titas, Titos, cousins, anybody in your family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I thought Lydia wanted it posted, and I think highly of her, so I posted it.

“It was only when I returned Jim Paredes' angry call that I learned about your family's rage against me for reposting THE POST. I deleted it immediately.

“Susme! Nicole accused me of using her deceased dad for my own vile political agenda. 'You should be ashamed of yourself! Have some respect for yourself first!'

“You, too, Iwi, posted the same, but awa ng Dios, yours was more subdued: 'Who appointed you as spokesperson for our family?' HA? Ay, Laurel-Asencio - mga Pinoy elite pala sila.

“Salivating DU30 hyenas are gleefully feasting on me on your walls and theirs, heard THE POST made it to the Rappler, viciously maligning me.

“I am sorry for the cataclysm I unwittingly caused, Lydia and Jim. You both know I have no malice in me.”

Sa comment section, tinanggap naman ni Jim ang paghingi ng paumanhin ni Cynthia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN