Anne Curtis on sister Jasmine's non-showbiz boyfriend: "Yes, very much boto kami ni Mommy, Daddy."

IMAGE @annecurtissmith Instagram

Anne Curtis says she and sister Jasmine Curtis-Smith are bringing their respective boyfriends in Australia for Christmas vacation.


Masaya raw si Anne Curtis, 31, na makita ang nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith, 22, na inspirado sa love life nito.

Lalo pa’t pasado raw sa Kapamilya actress ang pag-uugali ng non-showbiz boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.

“Yes, very much boto kami ni Mommy, Daddy. Kasi ume-effort sa family, which is very important,” sabi ni Anne sa October 17 episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay.

Hindi maitatangging magaan ang loob ni Anne sa nobyo ngayon ni Jasmine.

Patuloy na saad ng It's Showtime host, “I think bilang ate, you really look for someone who respects the family, makes an effort to know the family — and yun ang nakita namin sa kanya.”

Matatandaang noong Setyembre ay naka-double date ni Anne at boyfriend niyang si Erwan Heussaff ang magkasintahang Jasmine at Jeff sa Italy.

Bukod sa bakasyon, magkakasama rin silang dumalo sa wedding nina Isabelle Daza at Adrien Semblat doon.

Italy got us all chubby cheeks ???????? Definitely worth all the calories though. #ANNEventuresITALY #Tuscany

A photo posted by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Kuwento pa ni Anne, excited sila ni Jasmine dahil magkakasama ulit silang apat sa pagbabakasyon sa Australia sa Disyembre.

“Looking forward ako ngayong Christmas kasi magsasama-sama kami sa Australia with our family.

“Ngayon, meron na siyang plus one! Meron na kami [pareho] for the first time!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN