Sam YG on celebrity drug watchlist: "Sana lang sigurado sila before they release anything."

IMAGE Noel Orsal

Sam YG on drugwatch list involving celebrities: "Sa akin kasi, if there's a list, sana lang sigurado sila before they release anything."


Buo umano ang suporta ng radio station na pinagtatrabahuan ni DJ Sam YG sa kasalukuyang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

“Of course, our station is all-out to support the war on drugs,” sabi ng kilalang radio-TV host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) sa press conference ng bago niyang TV show, ang Vintage Trip, kahapon, October 17.

Wala rin daw problema kung sumailalim siya sa random drug test.

“Ako, I really don't mind kasi kailangan talaga sa amin.

I guess, when it comes to random drug testing, it depends on the company or corporation.

If kailangan silang i-check, why not?”

Si Sam ay regular na napakikinggan sa programang Boys Night Out sa Magic 89.9.

NAME-SHAMING CELEBRITIES. Ano naman ang masasabi niya tungkol sa diumano'y listahan ng celebrities na sangkot sa ilegal na droga?

Sagot ng TV host-radio jock, “Sa akin kasi, if there's a list, sana lang sigurado sila before they release anything.

“This goes for everyone, not just celebrities or politicians, even if you're a private person.

Maglalabas sila ng list kasi may tumimbre? It's hard without due process.”

Diin pa niya, “Wala akong problema diyan if there's a list.

“Just make sure na if it's gonna be released, it's 100 percent beyond reasonable doubt that these people are involved in this thoroughfare or what not.

It's unfair to them and their families, isang touch-move lang 'yan na madawit ang pangalan mo, sira na kaagad.

“It's a big thing.”

OKAY, BUT... Bagamat maganda ang hangarin ng gobyerno na puksain ang ilegal na droga sa bansa, may ilang agam-agam umano si Sam kung paano ito isinasagawa.

Saad niya, “On how it's done, honestly, mayroon akong questions here and there, all the random killings.

“For other people, siyempre nakakaalarma rin na anybody can be shot anywhere, anytime, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think if there's an alarming issue about it, that's it for me.

“Hindi mo na nga alam kung pulis ang pumatay o sindikato.

“Siyempre, the drug lords, kung medyo feel nila na magwi-whistleblower ka, uunahan ka na nila.”

Bukod sa sinasabing extrajudicial killings, kailangan din umano ikunsidera ng pamahalaan ang mga taong masasangkot sa ilegal na droga.

Ani Sam, “Also, whether a pusher or a user, they have to know that they also have families, di ba?

“Kung mayroon mang mamamatay, it's not just them, also their families.

“Let's think about that, di ba? Kapag may naiwan silang family, hindi natin malalaman... mahirap din.

“For example, gumagamit ng drugs before, ngayon malinis na siya.

“Pero nadawit na ang pangalan niya, siyempre kasama na siya sa loop.

“You'll never know what's gonna happen now. Nobody's safe.

“Sana lang there's a better way to do it or we can fine tune, so to speak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN