Basketball star Kiefer Ravena 'pushing' a child in face caught on video

IMAGE Jaime Campos/SPIN.ph

Basketball cager Kiefer Ravena is now in hot water over video clip showing him pushing a girl in the face.


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang video kung saan nahagip ang basketball player na si Kiefer Ravena na tinulak sa mukha ang isang batang babae habang nanonood ng isang volleyball game.

Ipinost ng isang netizen sa kanyang Facebook account ang naturang video clip noong Huwebes, October 13.

Ang video ay galing sa isang sports program na nag-cover ng Shakey’s Volleyball League noong Miyerkules, October 12.

Nanood ng volleyball game si Kiefer upang suportahan ang kanyang girlfriend na si Alyssa Valdez, na kasapi sa isa sa mga naglarong team.

Caption ng nasabing netizen na nag-post ng video clip: “Manong Kiefer was trending last night because of this.”

Umabot na sa 7,000 shares ang nasabing post at higit sa 3,600 comments habang isinusulat ang balitang ito.

Magkahalo naman ang reaksiyon ng netizens sa nasabing video.

May mga tumuligsa sa ginawang pananakit umano ni Kiefer sa bata, at mayroon namang nagtanggol sa basketball player at sinabing nagkukulitan lang ang dalawa kaya hindi dapat seryosohin o gawing isyu.






Nag-iwan ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kampo ni Kiefer sa social media upang kunin ang panig nito hinggil sa isyu.

Agad naming ilalathala ang sagot ni Kiefer kapag nakuha na namin ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN