Solenn Heussaff dismisses comparison with Heart Evangelista's artworks: "It's very different."

IMAGE Nikko Tuazon

"It's annoying to be put against each other when we're both friends," says Solenn Heussaff about being compared with celebrity friend and fellow artist Heart Evangelista.


“Love them. Love to fight them.”

Ito ang naging komento ni Solenn Heussaff tungkol sa Internet trolls na madalas ay nakikita sa kanyang social media accounts.

Ayon sa Encantadia star, hangga't maaari ay ayaw niyang patulan ang mga negatibong komento sa kanyang social media posts. Pero may mga pagkakataon daw na hindi niya maiwasang sumagot sa mga ito.

I usually ignore, but like on a hundred, there's one where I'm like...,” ani Solenn nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bagong show nila nina Isabelle Daza, Georgina Wilson, at Liz Uy, ang It Girls, na mapapanood simula Lunes, October 24, sa cable channel na E!

Ngayong Oktubre lamang ay pinag-usapan ang naging sagot ni Solenn sa netizens na pumuna sa kanyang Instagram posts — una, ang larawan niyang naka-bikini; ikalawa, ang larawan ng bago niyang painting.

Sa ikalawang isyu, isang netizen ang umakusa sa kanyang ninanakaw ang painting ideas ni Heart Evangelista.

Nilinaw naman ni Solenn na walang dapat ikumpara sa pagitan nila ng kaibigan at kapwa Kapuso star na si Heart.

“It's very different,” sabi ni Solenn tungkol sa kanyang pamamaraan ng pagpipinta kumpara kay Heart.

Sanay na raw siya sa ganitong klase ng komento.

Sabi Solenn, “But sometimes, we are always compared as friends because we're both in the industry, we both paint, we both had an exhibit, so they're always comparing us.

“It's annoying to be put against each other when we're both friends.

“Sometimes you just have to put them on their face.

“Also, there's nothing to compare, worlds apart.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN