Maja Salvador clarifies status of relationship with John Lloyd Cruz: "Sa totoo talaga, never."

IMAGE Gorgy Rula

Maja Salvador on her love life: "Hindi po sa gumagawa ng ingay o ano man, pero gusto ko lang i-clear na single ako ngayon, for the record. Dating, yes, nagdi-date po ako, pero hindi naman exclusive."


Muling nilinaw ni Maja Salvador kung ano tunay na estado ng pagkakaibigan nila ni John Lloyd Cruz.

“Sa totoo talaga, never,” sagot ng Kapamilya actress nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nanligaw ba sa kanya si John Lloyd.

Mahaba ang paliwanag ni Maja kung ano talaga ang ugnayan nila ng Kapamilya actor.

Saad niya, “Same handler kami. Star Magic, same handler with Nanay Neneth [Rustia].

“Nag-umpisa ako 14 years ago, tapos, di ba, yung dad ko, mga kuya ko… wala naman akong mas matanda sa akin, e.

“From the start, isa siya sa nagga-guide sa akin, isa siya sa nagbibigay-inspirasyon sa akin.”

How To Be Yours Po ???? #NowShowing

A photo posted by MAJASTY???? (@iammajasalvador) on

Patuloy ni Maja, “Sa industriya natin, kailangan mo maging strong, para tumagal ka sa industriya na ito, di ba?

“Ang dami-daming issues, ang daming intriga… yung parang maging strong yung personality mo, at parang magtiwala ka, at isa siya dun.

“Tawag ko pa nga sa kanya, Itay; tapos ako, Baby Girl.

“Pero sa ngayon siyempre, I’m 28 years old, yung pagtawag ko sa kanya ng Itay at pagtawag sa akin ng Baby Girl is nalilimitahan.

“Hindi kami makapag-work sa isa’t isa.

“Yung One More Chance [2007], nakalusot lang yun, pero sobrang hirap na hirap ako dun.

“Dahil parang nagsu-shooting kami, hindi ko siya pinapansin, hindi ko siya kinakausap.

“Nagsumbong siya sa handler ko, ‘Tita, si Maja, hindi ako pinapansin.’

“Si Nanay Neneth, parang, ‘Hoy, hindi mo raw pinapansin ang Itay mo!’

“Ang sabi ko, 'O, anong tawag ko, Itay? Exactly, Itay ko siya, paano ko siya kakausapin?'

“Tapos ang role ko ay girlfriend niya, tapos first kissing pa ko pa yun sa pelikula, at siya yun.

“So, parang… sobra talagang na-motivate ko yung sarili ko, in character talaga ako rito.

“So, parang mahirap.”

Dagdag ng Kapamilya actress, “So, yun na, I’m 28 na, tumatanda na, para may chance na magkatrabaho kami uli, parang kailangan ko yun i-erase na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka na-‘principal’s office’ din ako dun na sinabihan ako to stop calling him Itay, tama na. Hindi ka na bata.

“Kailangan mawala na yung Itay and Baby Girl, parang ganun.

“Kaya nakapag-post ako sa Instagram ng ‘Goodbye Itay, Hello Lloydie.’ Yun lang yun.”

nakaka hollywood ???? #PagBigyan #MSescapade #GoodbyeItay #HelloLloydy

A photo posted by MAJASTY???? (@iammajasalvador) on

Nakausap ng PEP si Maja sa press launch ng bagong endorsement niyang AMA Online Education, na ginanap sa Johnny Rockets, sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, October 18.

WORKING WITH JOHN LLOYD. Umaasa raw si Maja na magkaroon pa sila uli ng magandang project ni John Lloyd.

Saad niya, “Sino ba naman ang hindi gustong makatrabaho ang isang John Lloyd Cruz? Kaya, yun!

“Gusto ko siyang makatrabaho, kaya huwag ko na siyang tawaging Itay.

“E, di ginawa ko, naging masunurin lang naman ako.

“Hindi ko naman kayo masisisi kung nalagyan niyo ng malisya yun at nabigyan ng kulay. Kasi nasa industriya tayo.”

Diin pa ni Maja, “Hindi po sa gumagawa ng ingay o ano man, pero gusto ko lang i-clear na single ako ngayon, for the record.

“Dating, yes, nagdi-date po ako, pero hindi naman exclusive.”

Hiningan na rin si Maja ng reaksiyon niya na nakitang magkasama uli si John Lloyd at ang ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban.

Read: Ex-couple John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban spotted in Makati resto

Pahayag niya tungkol dito, “Bakit hindi?

“Alam mo, they’re good friends, bilang friend ko si Angelica. Super close friend ko si John Lloyd.

“Hindi porke’t hindi na sila, hindi na sila puwedeng magsama?

“Maganda nga yun na friends sila uli, na kahit na nagkahiwalay na sila, ang maganda ay friends sila.”

CONTINUING HER EDUCATION. Samantala, masaya si Maja sa bago niyang endorsement dahil maipagpapatuloy raw niya ang kanyang pag-aaral at, hopefully, makapag-graduate.

Nagpa-enrol na rin kasi siya sa AMA Online Education ng kursong Business Administration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko kasi, magagamit ko ito sa mga konting negosyo ko,” pakli ng Kapamilya actress.

Kahit 28 years old na siya, gusto pa rin daw niyang makapag-graduate.

At ang maganda raw dito, mayroon siyang mentor na tututok sa kanyang pag-aaral.

“Kahit matanda ka na o ilang taon ka na, puwede kang maging college student at makapag-graduate ka,” sabi pa ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN