Jessy Mendiola says "yes" to marrying Luis Manzano

IMAGE Noel Orsal

Kahit hindi pa umaamin sa kanilang relasyon, aminado si Jessy Mendiola na kung siya ay mag-aasawa na sa ngayon, si Luis Manzano na ang kanyang pakakasalan.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Jessy Mendiola at Luis Manzano tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kaya naman, diretsahang tinanong ni Boy Abunda si Jessy tungkol dito kagabi, October 18, sa episode ng Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN.

Tugon ng Banana Sundae star, "Ang hirap. Nakikita naman kami ng mga tao so ulitin ko na lang yung [nasabi ko na dati], what you see is what you get.

"We are very much happy. We are just really taking whatever wherever.

"Kung saan kami pupunta basta’t magkasama kami. Yun na yun."

Gustong ulitin ni Boy ang tanong tungkol sa kanilang relasyon ni Luis pero sabi ni Jessy, "Dapat siya ang tanungin niyo, Tito Boy."

Sumang-ayon naman si Boy dito na dapat ang pag-amin sa isang relasyon ay manggagaling sa lalaki.

Tanong pa ni Boy, "If there is one person, if there is one man, that you will marry at this point in your life, would that be Luis?"

Diretsong tugon ni Jessy, "Yes."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN