Ryza Cenon reacts to being called "starlet"

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Ryza Cenon says she is no longer affected when some people call her starlet.


Hindi apektado si Ryza Cenon sa pagtawag sa kanya ng “starlet” ng kanyang mga kritiko.

Sa local showbiz, kalimitang ginagamit ang “starlet” upang tukuyin ang artistang hindi pa sikat.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang reaksyon ng Kapuso star kapag may tumatawag sa kanyang starlet o 'di sikat, sagot niya, hindi na ito big deal sa kanya.

“Wala. Okay lang. Sobrang gasgas na kasi 'yon. Starlet, [walang] career. Papansin lang 'yon,” sagot ni Ryza sa press conference ng kanyang pelikula, ang QCinema Film Festival entry na Ang Manananggal sa Unit 23B.

“Buhay ko naman 'to. Eto naman ang gusto kong gawin, so hindi ko na lang sila papansinin.

“Papansin lang [sila].”

ON BASHERS. Sabi pa ni Ryza, kung kinakailangan daw ay magba-block siya ng bashers at magbubura ng mga negatibong komento sa kanyang social media upang hindi siya maapektuhan.

“Bina-block ko. Pero kung kailangang sumagot, sasagutin ko naman. Pero kung maaari iba-block ko siya.

“Buburahin ko yung comments para hindi ko siya nakikita, para hindi mag-trigger na sumagot ako.

"Minsan nagagawa ko siya. Tao lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN