Kim Domingo's "dream partner" is Vic Sotto

IMAGE Noel Orsal

Former Little Miss Philippines contestant wishes to be Vic Sotto's leading lady, "Parang naisip ko na sana ako naman ang mapabilang sa leading lady ni Bossing kasi iba ang impact niya, di ba?"


Hindi na nagdalawang-isip pa si Kim Domingo na sabihin ang pangalan ni Vic Sotto nang tanungin kung sino ang "dream partner" niya.

"Ang talagang gusto kong maka-partner si Bossing talaga," nakangiting sabi ng dalaga sa entertainment reporters na dumalo sa launch ng Ginebra San Miguel 2017 calendar kahapon, October 19.

Paliwanag ng 21-year-old sexy Kapuso actress, "Kasi, nag-'Little Miss Philippines' po ako noong year 2000, siya po 'yong talagang tumatak sa akin.

"Siya po ang nag-interview sa akin, hindi ko lang maalala ang tanong niya sa akin."

Ang tinutukoy ni Kim ang ay ang kilalang talent search segment sa Eat Bulaga, kung saan tampok ang mga batang babae.

Dugtong ni Kim, "Siya talaga ang gusto kong maka-partner sa isang movie.

"Alam ko naman na iyong Enteng Kabisote ni Bossing, every year iba-ibang leading lady niya.

"Parang naisip ko na sana ako naman ang mapabilang sa leading lady ni Bossing kasi iba ang impact niya, di ba?"

IGNORING BASHERS. Alam ni Kim na kung sakaling matupad ang pangarap niyang ito ay posibleng umani siya ng negatibong komento.

'Yong mga intriga naman po kasi, nandiyan naman po talaga iyan.

May gawin kang tama, may gawin kang mali, parang mayroon talagang intriga sa iyo.

"Basta ako, dedma na lang."

Hindi rin naman daw ito maiiwasan lalo na sa mundo ng showbiz.

"Dati kasi, aaminin ko, mapagpatol ako sa mga comment talaga.

"As in iniisa-isa ko 'yan. Tinitingnan ko kung sino 'yong mga iba-block ko.

"Pero ngayon, dedma na lang.

"Kasi, the more na pinapatulan sila, the more na inuulit-ulit nila, mas nagiging happy sila kapag nakikita nilang naaapektuhan ka.

"Pinag-aralan ko po 'yon na dedmahin na lang as long as wala kang ginagawang masama.”

Matapos ang pagganap niya bilang kontrabida sa Juan Happy Love Story, magiging bahagi siya ulit ng isang upcoming teleserye ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN