Eat Bulaga! That's My Baes reveal their showbiz crushes

IMAGE Facebook photo of Eat Bulaga!

Eat Bulaga!'s That's My Baes (L-R) Kim Last, Joel Palencia, Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Tommy Peñaflor, and Jon Timmons reveal their ultimate showbiz crushes—who are all Kapuso celebrities.


Hindi maitatanggi na marami nang humahanga sa That's My Bae members ng Eat Bulaga!

Pero kung sila ang tatanungin, sinu-sino kaya ang ultimate showbiz crush nina Joel Palencia, Miggy Tolentino, Kenneth Medrano, Tommy Peaflor, Kim Last, at Jon Timmons?

Tinanong ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanila sa press conference ng upcoming teleserye nila, ang Trops, noong Martes, October 18.


Bae Joel: “Ang crush ko po sa showbiz is si Miss Marian Rivera po.

“Kasi po lahat po ng palabas niya napanood ko.

“Then, nag-guest po kami sa Sunday PinaSaya, nakita ko po siya for the first time. Na-starstruck po ako kasi mas triple yung ganda niya e, talagang nakaka-starstruck po talaga.”

Biniro namin si Joel kung handa ba siyang harapin si Dingdong Dantes na asawa ni Marian.

Handa naman po kasi idol ko rin naman po siya,” sabi ni Joel sabay tawa.


Bae Miggy: “Ang super-crush ko po sa showbiz is si Miss Julie Anne San Jose po.

“Ang galing-galing kasi niya pong kumanta, tsaka lagi po siyang naka-smile.

“Nung nagkita po kami nun sa Sunday PinaSaya, lagi po siyang nakangiti. Nakuha niya po yung atensyon ko.”

Handa ba siyang harapin si Benjamin Alves na constant date ni Julie Anne ngayon?

“A, oo naman po!”

May abs si Benjamin, biro pa rin namin kay Miggy.

Meron naman po ako, siyempre din, kahit papaano!”


Bae Kenneth: “Nung una po ay si Miss Jennylyn Mercado, tapos ngayon po sa millennials si Bianca Umali.”

Hindi na niya crush si Jennylyn?

“Hindi na po,” at tumawa si Kenneth. “E bigla pong pumunta sa Broadway [Centrum, venue ng Eat Bulaga!] si Miss Bianca e, e nung nakita ko po si Miss Bianca sabi ko, ‘Anghel ‘to, ah!’

“Parang ganun po. Pero crush ko pa naman po si Miss Jennylyn, mas si Bianca.”

Ano ang meron si Kenneth na wala ang ka-loveteam ni Bianca na si Miguel Tanfelix?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pogi po kaming dalawa, e,” natatawang sabi ni Kenneth.


Bae Tommy: “Si Gabbi Garcia po.

Kasi po nung nag-guest po kami sa Sunday PinaSaya, siya po yung unang bumeso sa akin, siya yung unang nag-approach.

“Kasi nagkasama na po kami sa show dati sa Laguna.

“Nung nakita ko po siya sa Laguna, nagkasama po kami sa isang show sa Laguna. Sobrang crush ko po siya. Mas naging crush ko po siya nung nakita ko siya sa Sunday PinaSaya.”

Ano ang naramdaman ni Tommy nang i-beso siya ni Gabbi?

“Siyempre po natunaw po akong parang yelo!”

Handa ba siyang harapin ang ka-loveteam ni Gabbi na si Ruru Madrid?

“Mabait naman po yun!

“Crush lang naman, crush lang naman.”


Bae Kim: Crush naman ni Kim ang co-star nila sa Trops na si Ina Raymundo at si Yassi Pressman.

“So very, very lucky to be cast with her,” sabi niya tungkol kay Ina.

Hindi raw alam ni Ina na crush ito ni Kim.

“Huwag mong sabihin,” at tumawa si Kim.

Bakit niya crush si Ina?

“Kasi sobrang malakas ang dating niya po. As in kahit may age gap po kami, parang wala lang 'yan, kasi when I look at her it’s like, ‘Wow!’

“Ganun talaga, e!”


Mas gusto ba ni Kim ang older women?

“Hindi naman, actually siya po ang first crush ko na medyo may age gap.

“Pero yung ka-edad ko po si Yassi Pressman.

“As a dancer ang sexy niyang gumalaw, e. Tsaka type ko siya as in yung mukha niya, yung body type niya.”

Hindi naman raw siya nalungkot na wala na si Yassi sa GMA.

Kasi kahit ano’ng mangyari, at least something can happen.”


Bae Jon: Ang ultimate crush naman ni Jon Timmons ay ang tulad niyang may dugong foreigner na si Solenn Heussaff.

“Kasi mahilig po ako sa half-breed na Pinay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang po basta parang iyon lang ‘yung type ko,” sinabi pa ni Jon na may dugong Filipino, Spanish, German, at Irish.

“So siguro kaya iyon pala yung crush ko, si Solenn kasi half-French siya.

“'Tapos marunong po siyang mag-French, so parang mahilig din po ako sa girls na may accent or who know multiple languages.

“'Tapos sobrang bubbly niya po.”

Medyo nalungkot raw siya nang nagpakasal si Solenn kay Nicco Bolzico.

“Wala ng chance,” biro ni Jon.

Kung walang asawa si Solenn ay liligawan niya ito?

“Baka po. Kasi mas bata po ako sa kanya so… pero malay n'yo po kung hindi po siya ikinasal, malay mo may chance pa di ba,” sabay tawa si Jon.

Na-meet na raw niya ng isang beses si Solenn.

“She worked with Kim sa isang show and kasama ko po si Kim.

“Kim actually introduced me kay Solenn. Sobrang kilig na kilig po ako dun.”

Bukod sa That's My Baes at Ina Raymundo, kabilang din sa cast ng teleseryeng Trops sina Benjie Paras, Irma Adlawan, Kate Lapuz, at Toni Aquino.

Ito ay sa direksyon ni Linnet Zurbano.

Mapapanood na ang Trops sa Lunes, October 24 bago mag-Eat Bulaga! sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN