Judy Ann Santos on how she settled past rift with Joyce Bernal: "Natalakan ko rin naman siya!"

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Judy Ann Santos on overcoming test of friendship with Joyce Bernal: Siguro kasi bihira kami magkatampuhan. Pero yung isyu na yun, isyuuu!"


Sampung na taon mula nang magkaroon sila ng alitan, tinawanan na lang nina Judy Ann Santos at Joyce Bernal ang pagsubok sa kanilang pagkakaibigan.

Base ito sa kanilang guest appearance sa October 20 episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, kung saan naungkat ang tampuhan nila noong 2006.

Bungad na pahayag ni Judy Ann, “Ay, ibabalik natin?”

Sabi ni Direk Joyce, “Tampuhan lang yun.”

Pagkumpirma ni Judy Ann, “Siguro kasi bihira kami magkatampuhan. Pero yung isyu na yun, isyuuu!”

Nag-ugat ito sa insidente kung saan tumanggi si Judy Ann na magkaroon sila ni Piolo Pascual ng kissing scenes sa pinagbidahan nilang pelikulang Don’t Give Up On Us, na idinirehe ni Joyce.

Sumama ang loob ni Judy Ann sa kaibigang director matapos nitong ipaalam sa fans ng love team ng aktres at Piolo ang tungkol dito.

Aminado sina Judy Ann na matagal din silang hindi nagpansinan ni Direk Joyce noon.

Balik-tanaw ni Judy Ann, “Hindi mo ako inirapan. Ako lang. Paano kami nagkaayos? Si Ryan, siya yung naging way.”

Ang mister ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo ang mismong nagdala raw sa direktor sa tinutuluyang bahay ng mag-asawa.

Pambubuko ni Direk Joyce, “Dinala niya [Ryan] ako sa bahay nila. Ay, hindi pa. Hindi ni’yo pa bahay. maharot ka [Judy Ann] kasi.”

Hirit ni Judy Ann, “Ano ka ba. Huwag ka maingay, tatlo na anak naming [ngayon]! Hahaha! Nagluluto kasi ako, pero hindi namin bahay [iyon]. Hahaha!”

Hindi man direktang sinabi ni Direk Joyce, tila ang tinutukoy niyang bahay ay pag-aari ni Ryan, na noo’y boyfriend pa lamang ni Judy Ann.

Patuloy na kuwento ng aktres, “Ayun. Basta tinawagan lang ako ni Ry. Alam ni Ry kung bakit kami nagkaisyu, tapos alam niya yung dahilan. Alam niya na matagal na kaming hindi nag-uusap [ni Joyce].

“May pinagdadaanaan siya nung time na yun, so kailangan niya ng kausap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Judy Ann, nag-abiso muna sa kanya si Ryan tungkol sa kanyang surprise visitor.

“Kasi si Ryan, bihirang-bihira na tumawag sa akin, until kailangan niya marinig from me na umo-oo ako.

“So, alam ko na. Ewan ko, basta naramdaman ko lang na may makakausap ako that day.

“Tapos yun, nag-usap kami [ni Joyce]. Natalakan ko rin naman siya.”

FRIENDS FOR KEEPS. Sa ngayon, nanatiling mabuting magkaibigan sina Judy Ann at Direk Joyce.

Sabi ng Kapamilya star, “Siguro dahil pareho kaming Taurus, pareho kami ng trip, pareho kami ng tiwang. Nagkakaintindihan kami.”

Inamin din ni Direk Joyce na si Judy Ann ang dahilan kung bakit nagtagal siya sa kanyang karera bilang direktor.

Lahad ng box-office director, “Sinasabi niya kaagad sa akin yung katotohanan. ‘Grabe, ang sakit ha!’ Pero iri-recover ka naman niya ng bonggang-bongga.

“Siya ang pinakauna na kaibigan ko, kaya ako nag-stay magdirek.

“Ayoko na talaga. Hindi madaling experience [ang directing]. Editor kasi ako, mas maganda ang trabaho ko dun.

“Pero nung nakatrabaho ko siya, ok, naging excursion bigla yung experience ko sa directing. Nagustuhan ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN