PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee to file another libel complaint against Vina Morales in Pasig

IMAGE Mark Atienza / Reielle Deslate

Maghahain muli ng libel complaint si Cedric Lee laban kay Vina Morales sa Pasig City. Bukod pa rito, sasampahan din niya ng mga reklamong sibil si Vina sa Quezon City.


Muling maghahain ng reklamong libelo si Cedric Lee laban sa ex-girlfriend nitong si Vina Morales sa Pasig City.

Ito ay may kaugnayan sa nakaraang panayam ni Vina sa late-night entertainment talk show ng ABS-CBN na Tonight With Boy Abunda nito lamang October 12.

Napag-usapan kasi sa naturang panayam ang tungkol sa court battles nila ni Cedric.

Ayon kay Cedric sa exclusive phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong tanghali ng Huwebes, October 20, magpa-file ito ulit ng libel complaint.

"We will file another libel in Pasig for her interview with Boy Abunda last week when she mentioned me again."

Sinabi ulit ni Vina sa interview ni Boy ang umano'y 'pagkidnap' ni Cedric sa anak nilang si Ceana noong nagbakasyon ang aktres sa ibang bansa.

Matatandaang noong Mayo ay na-violate raw ni Cedric ang "court-approved visitation rights" nito na "every Saturday," dahil umabot raw sa walong araw ang period na nagkasama sina Cedric at Ceana.

READ PEP EXCLUSIVE. Vina Morales files complaint against Cedric Lee for forcibly detaining their daughter

Dahil sa mga sinabing ito ni Vina, nauna nang nagsampa ng six libel complaints si Cedric sa Nueva Ecija at Caloocan.

READ PEP SCOOP. Cedric Lee to file six libel cases against Vina Morales

COMPLAINTS UPDATE. Kasunod na ibinahagi ni Cedric sa PEP ang progreso ng mga reklamong inihain niya laban kay Vina.

“Both the Caloocan and Cabanatuan libel cases are submitted for resolution.

“Regarding the Paraaque perjury, Vina submitted her counter-affidavit last Monday [October 17].

“So we will file our reply, then it will be submitted for resolution.”

Nitong nakaraang buwan din lang ay sinampahan naman siya ni Vina ng kidnapping complaint sa Mandaluyong Regional Trial Court, may balita na ba tungkol dito?

Tugon niya, “Regarding the kidnapping she filed in Mandaluyong, we will file our counter-affidavit on Monday together with the new perjury case [in Mandaluyong-RTC] we will file for her perjured sworn statements so it will be a consolidated case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So we hope to get all her warrants of arrest issued by November. That’s Pasig, Paranaque, Mandaluyong, Caloocan, and Cabanatuan.

“Once we get her convicted in the lower court, she will not go to jail yet because she can appeal it in the CA [Court of Appeals] and in the SC [Supreme Court], but we can move for her travel ban since she’s a convict already.

“We are also preparing all the civil cases to be filed in Quezon City, for all the damages she caused.

“We will attach all her properties including her brand new house.

"Then, all the proceeds will be donated to the government's drug rehabilitation program. At least may naging pakinabang din sa bayan ang pagkakalat niya."

VOWS TO GET HER DAUGHTER BACK. Sa huli, sabi ni Cedric, hindi siya titiklop sa labang ito para sa kanyang anak.

Dagdag pa niya, “And for the record, Vina knows me that when I say something, I will do it.

“Sometimes it gets delayed, but I eventually do it even when it has irreversible consequences.

“As I promised my daughter, I will have her back in my arms even if her stubborn mother takes her away from me.

“I will put my honor, my money, my time, all my effort and even my life at stake to fulfill that promise to my daughter.”

Humingi na ang PEP ng statement mula kay Vina tungkol sa mga bagong pahayag na ito ni Cedric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN