Aiza Seguerra, Jake Ejercito, Direk Erik Matti condemn violent dispersal of indigenous rallyists

IMAGE Instagram, You Tube

Aiza Seguerra, Jake Ejercito, Direk Erik Matti are just some of celebrities who condemn the violence towards indigenous militants in a rally in front of the US Embassy last October 19, Wednesday.


Kinondena ng ilang artista at kilalang personalidad ang naganap na rally sa US Embassy na nauwi sa kaguluhan nitong October 19, Miyerkules.

Tinatayang 40 na pulis at 50 na raliyista ang nasaktan sa kaguluhan na nangyari sa tapat ng US Embassy sa Maynila, ayon sa ulat.

Naging viral sa social media ang video ng Associated Press, kung saan makikita ang isang police vehicle na umandar nang pasulong at paatras at mapapanood na ilang raliyista ang nasagasaan ng mabilis na sasakyan.

(Babala: Ang susunod na video ay naglalaman ng maselang kuha mula sa insidente.)

Depensa ni Senior Supt. Marcelito Pedrozo, deputy director for operations ng Manila Police District, na-provoke sila ng mga raliyista na naging magulo at marahas.

Hindi naman naiwasan ng ilang kilalang personalidad na mag-react sa nasabing karahasan, kabilang sina Aiza Seguerra, Jake Ejercito, Direk Erik Matti, at Sebastian Castro.

Nag-post ng mga reaksiyon si Aiza sa kanyang social media accounts.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Aiza na kinokondena niya ng naging aksyon ng Manila Police District, lalo na ang driver ng van na nanagasa.

“Para sagasaan ninyo ang mga rallyista, it shows an intent to kill!”

Tweet naman ng Direk Erik Matti, ang karahasang nangyari sa harap ng US Embassy ay sumasalamin sa kasalukuyang administrasyon.

“What happened in the US Embassy is a reflection of what this country has become. Shame and guilt to everyone who made this regime happen.”

Binatikos din ni Jake Ejercito ang inasal ng mga pulis sa kanyang maiksing tweet

Kinampihan din ng aktor na si Sebastian Castro ang mga indigenous people na nagpunta sa rally.

“Their homelands have been destroyed and their people killed. the only people exerting "maximum tolerance" here are the lumad.”

Maging si Atom Araullo ay nag-tweet at kinontra ang depensa ng police driver na hindi niya intensiyong sagasaan ang mga militante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasabing rally ay kinabilangan ng daan-daang raliyista na binubuo ng mga Lumad at Moro mula sa Mindanao, bilang pagpapakita ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa planong niyang magkaroon ng independent foreign policy ang Pilipinas.

Depensa ni Senior Supt. Pedrozo, ibinigay ng mga pulis ang “maximum tolerance” at ang mga militante ang naging marahas.

Dinepensahan naman si Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo raliyista na binubuo ng mga indigenous people at sinabing ipararating kay Pres. Duterte ang karahasang inabot ng mga ito mula sa kapulisan.

Sa kanyang social media account, sunud-sunod ang tweets ni Sec. Judy sa aniya’y dinanas ng mga indigenous people sa kapulisan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN